Thursday, April 26, 2012

Masarap ang magsama-sama..

May gusto iparating ang aking kaibigan sa inyo...

Title: Kasama Kayo
                Part 1
Malay ko ba kung bakit ba?
Hindi ko ba alam kung bakit ganon?
Pwede mo bang sagutin ang tanong ko?
Dito sa magulong mundo.

Minsan Oo, minsan hindi
Hindi ko na magets kung ano talaga
Pero pag kasama ko kayo
Lahat nang ‘to ay ‘di magulo

Kaya… Ano pa ba?
Ang hinihintay nating lahat?
Tayo na magkita-kita
At magsama-sama
(Chorus)
Let’s Go! Tara na!
Sa mundong di pa nakikita…
Kahit na ano ang dala mo
Basta kasama ko kayo!

Hindi na kailangan ng maghanda
Mas maganda to kapag bigla bigla
Basta lahat tayo ay magkakasundo
Basta kasama ko kayo!
Part 2
Ano? Wag ka nang magpaalam.
Sabihin mo na lang na saglit ka lang
Magkita-kita lang naman tayo
Sapat na yon para sa videong to

Kaya… Ano pa ba?
Ang hinihintay nating lahat?
Tayo na magkita-kita
At magsama-sama
 (Repeat Chorus)
Kung ayaw mong sumama
Pwes maiwan ka
Kung hindi ka sasama
Sino ang magiging kawawa?
                (Repeat chorus 2x)

Itong kantang to ay tungkol sa pagsasama-sama ng mga magkakabarkada...

Alam nang kaibigan ko na may binuburo kayong outing... Gusto niya sana makasama, pero dahil sa mga unfortunate, motherf'n scheduling ng mga events sa school, nasa jeopardy ang kanyang pagsama... Kakapalan ko na ang mukha ko para sa kanya.. Gusto niya na mamove ng date ng outing or gawin niyong overnight ang outing para pede siyang makasunod kung saka-sakali.. Kasi ang date ng school trip nila ay May 24-26

Nawa'y wag sana kayong magalit... Pinapahayag ko lang ang kanyang saloobin..

Pero ang final say ay nasa inyo pa rin..

Yun lang

LightningSnow :)




1 comment: