Saturday, April 21, 2012

Hello...

Hello..

Isa akong taong may kaibigan na kaibigan niyo rin..

At ito ang masasab niya...

Ang mga kaibigan ay mga taong magkakasama sa hirap at ginhawa... Lahat ng moments ay magkakasama sila... Lagi silang magkakasama.. Ang kulang nalang ay ilagay mo sila sa isang bahay at lagyan mo ng maraming kamera...

Pero minsan may mga panahon na hindi sila magkakasama... Dahil kapag ang mga grupo ng magkakaibigan ay kinabibilangan ng maraming tao, mas malaki ang tendency na may mga grupo sa mga ito... Bakit nga ba ganun? Nakausap ng kaibigan ko ang isa niyang kaibigan tungkol sa ganitong topic at ito ang napagtanto nila.. May mga taong kahit magkakasama sila hindi pala sila magkakaibigan.. Ang magkakaibigan ay nagiging magkakaibigan dahil siguro may common interest sila... Ganon naman ang nature ng tao, at wala nang pakialam ang kaibigan ko doon.. Pero ang kanya lang, hindi ba magiging sukatan ng pagkakaibigan ang kakaunting 'bond' na nabuo sa pagitan ng dalawang tao...?

Kung sa bagay, may kanya-kanyang opinion ang kada tao dito... Pero, meron talagang iba na hindi agad nakakagood vibes ang ibang tao.. Well, buhay na nila yon... Sabi ng kaibigan ko, hindi na daw niya pakikialaman yon...

Kaya sa mga kaibigang laging magkakasama, ituloy niyo lang yan.. Ang pinaka-bottom line nun ay ang pagkakaroon ng magandang memories habang kayo ay magkakasama.. Sa mga hindi sasama sa inyo, bahala sila.. Sila ang hindi magkakaroon ng magandang memory na pwede nilang i-treasure sa habang panahon na nabubuhay sila... (Pusang gala!! ANG DRAMA)

Well, ang kaibigan ko ang nagsasabi noon, hindi ang inyong lingkod

Yun lang

LightningSnow

"..." 

No comments:

Post a Comment