Tuesday, October 30, 2012

Dear Blog: Preemptive supalpal counter..

Dear Blog,

Alam mo ba yung term na "Preemptive Supalpal"..?

Yung senyales na ang isang lalake or babae ay FZ (Friendzoned) na, eh hindi pa nga nakakapagsimula sa laban.. (Kung hindi tama yung definition ko, at least malapit sa sinabi ko) Basta, in short, sa huli sasabihan ka nang "friends lang ang tingin ko sayo eh" line..

Bad trip diba?

Eh, yung "Preemptive supalpal counter"...? Narinig mo ba?

Here's an example... (Ahm.. pagpasensyahan niyo na yung example...Example lang naman eh)

Si lalake ay pawang nagpapahiwatig na gusto niyang maging next level ang relationship niya sa isang babae.. Na-sense ni babae na may planong ganon.. Preemptive supalpal mode na..

Girl: Nanliligaw ka ba? Kasi hindi pa ako ready sa mga ganto eh..
Boy: Huh.. Hindi ah... Gusto ko lang i-express na special friend ka.. Pero hindi ako to ligaw..

Ok, mga kids.. Mula sa example na ito.. Makikita natin na may palusot agad si lalake sa preemptive supalpal ni babae... Sa aking perception, ito ang tinatawag na "counter".. In short, sa bandang huli, kahit masasaktan ka, nasayo ang huling baraha... Alam mo yun... yung tipong mukang nagkamali pa yung babae sa kanyang interpretation nang mga pinaggagawa mo... Yung parang napahiya siya.. Ganon yun..

Ok, mixed reactions ako tungkol sa "counter" na to; positive at negative..

Unahin natin yung postive..

Isa tong dakilang paraan para mabawasan ang sakit na mararamdaman mo... Kita mo, basted ka na nga.. Pero, dahil may instincts ang tao na ayaw tanggapin ang katotohanan, may tendency silang gumawa nang iba't ibang klase nang palusot.. Isa to sa mga yun... At least, kahit basted ka, nasabi mo sa sarili mo na "HAHAHA Naloko kita no?" Isa siyang sweet revenge.. Parang nakasabi ka nang malutong na mura tapos gagaan ang pakiramadam mo... Hindi ka nagmukang tanga.. Hindi ka yung tipo nang basted na magmumukmok sa isang tabi, tatawagin ang barkada para sa inuman session at iiyak maghapon.. Isa kang basted na nakataas pa rin ang noo at may pride pa rin sa sarili kasi yun nga.. IKAW ANG MAY HAWAK NA HULING BARAHA.. Pinahiya mo sya.. HAHA

Next, negative..

Ok, may pang-counter ka nga... Hindi masyadong masakit... Pero ang labas nun sa babae ay masama... Mas lalo ka pang naging mukang G@@@ at mas mahangin, mas mayabang at kung ano pang mas (negative description) na mabibigay niya sa iyo... Syempre, in reality sense.. parang sinabi mo na "Hindi ikaw ang pinakaimportanteng tao sa mundo, may iba pa diyan.." sa pagmumukha niya.. Syempre, deep inside magagalit yun.. Kasi napahiya siya eh.. So ang tendency niyan ay talagang hindi na kayo magkakasundo in the near future... Hindi lang yun, sa tuwing maaalala ka niya, maalala niya ang "counter" moment na ginawa mo... Parang magsisilbe siyang negative remark sa iyo.. In short, hindi ka na pwede sa kanya.. Unless, may isang himalang mangayari at naging kayo pa rin sa huli..

Ahm.. Ang mga binigay ko ay pawang mga opinyon ko lamang... At medyo nasa point of view siya nang mga lalake... So, ito ang tanong... gagawin mo ba ang "counter"?

Kung ikaw ang taong nagiging bitter kapag hindi napaburan or dahil hindi nakukuha ang gusto... Gawin mo to... Masarap kasing gumanti lalong lalo na kung worth ang pagganti. Alam mo yun, sweet revenge.. Hindi ko kayo in-eencourage na gawin niyo all the time ah..

Basta, may mga moment talaga na masarap ang gumanti dahil nasaktan ka.. Parang mga show sa TV na kung saan ang main drive nang paghihiganti nang mga kontrabida ay ang simpleng dahilan na nasaktan sila..

One more thing... Hindi ako bitter ah.. Hindi ko pa naranasan to at lalong lalo na hindi ko pa nagawa to... Narinig ko lang to kung kanino.. Mwahahaha.. Pero kung ako ang nasa ganong situation.. who knows.. Parang maglalaban ang mga positive at negative values sa puso mo eh... Ang labanan diyan ay kung sino ang mangingibabaw; ang pagiging masama mo? O ang pagiging sports mo?

Yun lang,

LightningSnow:)

1 comment:

  1. it's not worth it. dnt let them turn u into sum1 ur not.

    ReplyDelete