Yeah right..
Pumapasok ako sa school where the students are immortals.. Walang bakasyon, walang 2 month break, walang summer vacation, walang long vacation at walang easy moments... Pero hanggang doon na lang muna ang masasabi ko.. Kasi baka may mangyaring alam mo na, at least hindi ako nagbanggit... That's what I call LOOPHOLE..
Pero, going back in the main topic...
FIRST DAY OF CLASS
Syempre, alam naming lahat na may petiks factor ang first day of classes... May mga prof na hindi pumasok. May mga students na hindi pumasok.. Walang klase... Puro bigayan lang ng index card at edidensya na naka-enroll ka sa school na yon... Kung baga mga opener para sa mangyayari one way trip to pain, sleepless nights, summer studies at yung mga alam niyo na..
So far, wala namang mga masamang nangyari.. Lahat ng prof good vibes.. Pero dumating ang period ng isang klase sa hapon.. Lahat maingay, masaya at nag-uusap-usap ng kung ano-ano. Dumating si "Prof" na mayroong calm look sa kanyang mukha.. Nasabi ko sa sarili ko na, "wow... parang magandang subject to ah..." . Pero ang usapan namin ng katabi ko ay ang kutob niya sa isang bad vibes event na mangyayari.. Nagtuloy ang mga kwentuhan... ng biglang..
"HOOOOOOOOOOY! ANO BA YAN?!!!"
OMG!!!! Hindi na to good vibes... Laht kami napatahimik... Sa sigaw pa lang na yon, alam na namin ang dapat na gagawin namin... Kaya, katulad ng cellphone, napunta kami sa silent mode. OH HELL YEAH!!! Walang matapang na estudyante sa harap ni "Prof", lahat na-intimidate... That's what you call the "Prof FACTOR"... Isa lang ang masasabi mo.. "DON'T MESS WITH HIM!!!" har har :)
Hindi lang yon ang ginawa niya... nag-introduction siya na parang nag-lecture na rin ng lessons... Parang torture.. Pero may isang interesting thing siyang nabanggit, na nagpatanngal ng antok ko kahit papano.. Nagdidiscuss siya ng mga Seqeunce yata nung may nabanggit siyang isang example..
"Kung gusto mo sabihin sa mahal mo na I Love You infinite, sabihin mo 143/999..."
Wow... bakit naman I Love You infinite... Paki-divide na lang at mapapansin mo na repeating decimal yung magiging sagot.. At repeating ang 143, which means "I Love You"
YIIIIIIIIIIIIII!!!! Ganyan magsabi ng I Love You ang mga engineers, soon to be engineeers, mathematicians, mahilig sa math at ang mga geeks and geniuses na anlaki ng involvement sa numbers
Yun lang... Nashare ko lang..
LightningSnow
No comments:
Post a Comment