Monday, September 17, 2012

Dear Blog: Bakit hindi ka crush ng crush mo?

Dear Blog,

"Bakit hindi ka crush ng crush mo?"

Striking ang linyang to.. As expected kay Ramon Bautista, ito ang kanyang bagong libro.. Back to the main topic.. Gusto ko lang sagutin ang tanong na yon.. Bakit hindi ka crush ng crush mo? More particularly, bakit hindi ako crush ng crush ko..? Ikaw, ako, lahat tayo, may tanong na ganyan... Simple lang ang sagot... KASI HINDI KA TRIP NG CRUSH MO!!

Yun lang... SALAMAT..


JOKE...

Hindi ka trip ng crush mo... Sa side naman namin... "PANO YUN?! LUGI!!!"

Ou nga naman brad.. Ganon na lang ba yun? Syempre lugi... Iba nga naman ang mundo.. Nilikha siya para dito... Alam mo naman masakit pero yun kasi talaga ang nature ng tao eh... Ang magka-crush pero hindi sila crush ng crush nila... Sa point of view ko, reality of life... Ewan ko na lang sayo..

Pero brad... Pano nga naman ang mga tao na nasa luging side... LIFE IS SO UNFAIR... Ganon na naman... Dapat tigilan na natin tong kalokohang to... Kung ganon lang din ang mangyayari.. Tigil mo na, nakakainis lang eh.. Kung sa bagay, crush lang naman.. Ibig sabihin, humahanga ka... EH YUN NAMAN PALA EH, crush lang... Pero bakit merong iba na kapag sinabing crush, parang low level type of love... Alam mo yun... Yung kapag sinabing nandyan ang crush mo, kinikilig at nag-blush2 ka parang tenge... Kaya minsan, hindi mo rin alam kung ano ang boundary... Ano ba talga? Ano ba ang formal definition ng crush?

Syempre sa ngayon... Papanig ako sa mga taong nasa luging side... Bakit kasi hindi ako ma-aappeal sa crush ko... Ano bang meron? Well, siya lang ang makakasagot niyan.. Pero sa loob ko at ang tunay kong nararamdaman, gusto kong i-crush ang crush ko.. Yung literal na crush.. Dudurugin.. Bakit? Kasi minsan nakakainis... Nakakainis ang fact na may mga gusto kang gawin, gustong sabhin na hindi mo magawa kasi may boundary na tinatawag na "crush"... Parang kontrolado ang mga kilos mo... Parang hindi ikaw ang taong yon kapag nakaka-interact mo yung crush mo... Kaya ang labas, bawas points yun sa crush mo... Diba kabaliwan? Ewan ko lang kung ganon din kayo...

Kaya sana sa mga crush namin... Maging considerate naman kayo...AHAHA Bakit? Wala lang gusto ko lang sabhin...

Kaya sa mga taong may crush diyan pero hindi sila crush ng crush nila... Anong plano niyo sa buhay? Kahit anong side ang piliin niyo, may mga lalabas na tanong, sugarcoat, loophole at kung anek anek... Basta ako,.. bahala na.. Kung sa bagay, argument invalid ang mangyayari... "ANG IMPORTANTE CRUSH KO SIYA..." mode... Kung trip mong sumugod, sugod lang nang sugod.. Laban kung laban.. Anong pake na iba diba? Buhay mo yan eh.. Magulo talaga ang ganyang usapan.. Baka nga sa maboteng usapan pa magkalinawan ang lahat eh..

Yun lang... Sana naintindihan niyo ang aking argument.. At good luck sa inyo at sa crush ninyo...

LightningSnow :)

No comments:

Post a Comment