Dear Blog,
May exam ako kanina nung maranig ko yung punchline na ganito...
"Aanhin mo yung kabaitan kung saksakan naman ng kapangitan.."
Punchline na in a sense... REALITY SENSE.. tama nga naman... Aanhin mo yung kabaitan ng tao kung pangit naman, particularly yung itsura.. Base kasi sa pagkakaintindi ko, yung sinasabihang pangit ay pertaining to appearance.. Alanga namang ugali, edi iba yung title ng entry na to..
Ok, I want to share my thoughts about it here.. Just for fun... Kasi, nung marinig ko to, natawa ako bigla.. HABANG NAG-EEXAM..
Natawa ako dahil kung titingnan mo yung reality... (Ok, ang mga sasabihin ko ay opinion ko lang... ) Diba, sa isang tao may mga times na hindi importante kung mabait ang kalooban.. Naghahanap talaga sila ng partners dahil sa itsura.. Wala akong magagawa dun, eh yun yung trip nila eh.. Parang instinct.. Parang nature ng tao.,, Anong sense? Edi ibig sabihin, ang tao ay nag-aapriciate ng beauty, mapainside or outside.. So para sa mga taong hindi nabiyayaan ng outer beauty, lugi na naman... "Leche naman oh!!" Parang ganon.. Hahaha! Isa yung sa mga dahilan kung bakit hindi ka crush ng crush mo... Ang harsh naman pare... Masakit sa pakiramdam.. Hahaha, pero nakakatawa..
Ok, let's admit na may side na kumakampi sa inner beauty.. Ou nga naman... Hindi porket maganda, pang outside lang... Dapat may inside din, mas jackpot ka kung ang napili mo ay beautiful both in the inside and the outside.. Pero... Iba talaga eh yung narinig ko eh.. Imba talaga eh...
Balikan natin ang sinabi.. "Aanhin mo yung kabaitan kung saksakan naman ng kapangitan.." Well, yun yung point of view ng nagsabi nun.. Wala tayong say kung yun yung opinion niya.. Sa sobra kong tawa, habang inaalyze ang lecheng "saying" na yan habang nag-eexam, may naisip ako.. On the evil side, tama nga naman... That's practicality... Biruin mo, anong sense kung pipili ka nang mabait pero pangit... So, ibig sabihin tiis-tiis lang habang buhay.. Ganon? Eh, yung usapan dito (theoritically) sobrang pangit talaga.. Habang buhay mo yun dadalhin... Ganon ba?
On the bright side.. You're looking at the inner beauty.. Katulad nga nang sinabi ko kanina.. may mga taong preferred yung inner beauty.. Ou nga naman, aanhin mo yung ganda kung pangit ang ugali...
So ang bottom line... Walang tama dito.. Lecheng pag-aanalyze yan.. Depende kasi eh.. Nasa sayo yun kung anong path ang kukunin mo.. Magiging practical ka ba na pipiliin mo yung bubusog sa mata mo? O dun ka sa tatanggapin ka kung sino ka dahil ang mapipili mong partner ay may busilak na kalooban..?
Well, in my opinion... Pwede both? Bakit? Practical sense pare... Mas maganda na yung both... Ang tanong, makukuha mo ba yun? Makukuha ko ba yun? Who knows, right? Basta... Ang hirap din i-analyze no? Parang ganito kasi yan eh.. Mamimili ka, morals or pleasure.. Well, katulad ng sinabi ko kanina, bahala ka na.. Buhay mo yan eh... Well, good luck...
Ang buhay nga naman.. maraming grey area.. Hindi mo alam kung what's right or what's wrong... Naalala ko yung sinabi ni Shakespeare; "There's nothing good or bad, but thinking made it so.."
Naalala ko lang ulit yung saying kanina.. Grabe, natawa din ako sa delivery... At dahil dun, namessed up ko yung isang number ng exam ko.. Sa huli, ako ang natalo... Na-distract ako.. DAMN! So ang moral lesson ay focus... Focus kapag nag-eexam.. Ok mga kids? Ok...
Yun lang ang sharing ko, salamat
LightningSnow :)
No comments:
Post a Comment