Dear Blog,
Siguro ito ang first time ko na maging blog user sa new year's day..
Wala lang.. Marelate lang.. Pero nagiisip ako nang mga bagay bagay na nangyari sa kin noong nakaraang taon, which is 2012... Mga bagay na kapupulutan nang aral (weh?) at mga inspiring things din.. (di nga?)
Ok... Hello 2013, Goodbye 2012
Na-realize ko na may mga pagbabago na nangyari sa kin..
Well, masasabi ko na naging bitter ako sa reality.. Naging bitter ako sa mga bagay bagay na natural na nangyayari.. Parang may pagka-RB.. Bitter sa reality of life.. especially the love one.. Dumating nga sa point na sinabihan nga ako nang mga kakilala ko na nagbago na daw ako.. Well, that was last year.. Screw that..
Ngayong year din, na-experiece ko rin ang mga sensations na na-experience ko nang high school such as crushes, mga permanent na friends, no pressure sucess, pagiging active sa school.. etc... Haay... Sarap pala maging high school ulit.. Tama nga sila, ang pinakamasayang moment nang buhay ay high school..
Mas naging sports junkie ako.. Well, marami akong sinusundan na mga sports.. Wala lang.. for a change. Hindi ko rin alam kong pano nangyari yun eh.. Siguro kasi nanalo ang Miami Heat sa NBA championship at nagkaroon nang foorball mania dito sa pinas.. Ang sarap pala gawin yung mga yun.. Kung naisip ko yung nung bata ako, ano kaya mangyayari? Magigigng big time kaya?
Wala pa ring pinagbago ang aking anime related habits... Ganon pa rin.. Anime, Manga... Siguro may konting K-drama, yung mga hindi masyadong drama..
Ano pa ba? Yun lang siguro..
Mga brad... Siguro ang iba sa atin ay nagiisip na naging pangit ang year na nagdaan para sa kanila.. Pangit daw ang year dahil sa mga simpleng problema.. Bahala na kayo kung anong definition nang simple... Marami lang kasi akong nakitang post sa fb na ganon yung theme nang mga messages.. Wag ganon ang isipin niyo, dapat isipin niyo na mas mabuti pa ang mga kalagayan.. Tingnan natin ang mga na-damage sa mga nakaraang bagyo.. diba?
Last year din, naging witnesses tayo sa mga "End of the World" mania.. Bad trip na bad trip ako dun.. Meron kasing mga tao na nagspread the word tungkol dun.. Parang mga fanatics sila.. One time nga, 2 weeks before Dec. 21, nagsisimba kami then nagdadasal ako nang good grades, tapos may sumigaw nang napakalakas na magugunaw na ang mundo.. WHAT THE HELL MEN,,, Kung hindi ko talaga napanuod yung 2012 movie noong high school ako siguro hindi ako magkakaroon nang idea about sa topic na to... Bad trip talaga.. Marami pa akong gustong gawin..
New Year's Resolution..?
Mas magiging fierce ako... (Shenes) Magpapayat na ako... GRABE..
Meron pa naman hanggang chinese new year para tapusin ang new year's resolution eh.. Siguro dun na lang..
Yun lang,
LightningSnow :)
good luck! :)
ReplyDelete