Tuesday, December 25, 2012

Dear Blog: A Reflection..

Dear Blog,

Ito ulit ang time na makakapagsulat ako nang entry dito... Well, super busy kasi.. Bad Trip talaga pag naipit ka sa mga school related activities..

Gagagawa lang ako nang reflection about mga bagay bagay...

One time, pumunta ako sa isang swimming get together nang mga ka-block ko sa college.. Then, kinagabihan may inuman.. Habang may inuman, may mga batuhan nang jokes.. Hindi ako makabitaw.. Walang-wala ako sa mga binibitaw nang mga kasama ko... Ang hardcore kasi.. Hindi nga jokes yun eh, asaran na yun.. Asaran na FlipTop style kung saan kapag hindi ka na naka-reply back.. GG na..

Tapos, may nakapuna sa akin.. Masaydo daw akong seryoso.. Hindi daw kasi ako makasakay sa mga trip nang mga kasama ko dun... Medyo tama siya, siguro nga seryoso akong tao.. Pero, nakakagulat pala kung sa iba mo malalaman ang fact na to.. Hindi ko nga masabi sa sarili ko na seryoso akong tao eh.. kasi maski papano may "evil" side din naman ako or yung mga side na kung saan malakas ang trip..

Siguro... Tama nga ang kasama kong yun... Seryoso akong tao.. Kasi feeling ko, nawawala ang aking sense of humor... Hindi na ako makapagbitaw nang mga witty jokes.. Kung magpapatawa ako, pwersahan.. Parang slapstick kind of comedy... Alam mo yun..

Tapos, masyado lang akong tahimik.. Parang hindi ako masyado nakakainteract sa mga kasama ko sa school.. Parang nahihirapan din ako gumawa and mag-start nang mga conversations na hindi academics related.. Basta, parang marami akong dilemma na related sa social interaction kasi parang muka akong seryoso.. Siguro muka akong galit? Hindi kaya..

Tapos one time, may namasko sa amin... Sabi ko sa mga namamasko, sandali lang... Tapos sabi nang isa sa mga namamasko, galit daw ako.. Muka daw kasi akong seryoso.. Dude!! Look at that!!!

Wala lang.. Nag-rereflect lang.. Ganon pala ako.. sa ngayon... Hindi ko rin masabi kung anong mga specific factors pero napapa-OO ako dun sa comment nang kasama ko..

Pero ang the best part nang comment nung kasama ko sa inuman ay yung prediction niya kung sino daw yung makakatuluyan ko.. Sabi niya, sabog daw yung makikita ko... Talaga lang ah... HAHAHAHA

WHAHAHAHA! Grabe talaga... Seryoso pre...

Parang ang sarap tuloy maging isang tao nan nag-bebetray nang mga first impressions no.. Hindi talaga ako make-get over... AWESOME..

Yun lang,
LightningSnow :)
 :) n

1 comment:

  1. hahaha! laptrip dami q tawa sa post n2. xD

    ReplyDelete