Sunday, December 2, 2012

Dear Blog: Low Profile Gamin

Dear Blog,

Well... Gusto ko lang i-share ang isang topic..

I'm going to call it "Low Profile Gamin".. Simply LPG..

Uhm... Para madescribe... Based sa aking dictionary.. kapag low profile ka, hindi ka kilala... Parang hindi ka nag-eexist.. Alam mo ba yun.. Example, sa school.. Pupunta ka nang school na for the sole purpose of pagaaral.. Hindi ka masyadong nakikiepal sa mga kung ano anong bagay... Example, mga activities.. etc..

So anong consequence kung hindi ka makiki-epal..? Kung hindi ka makikijoin..? Edi.. hindi ka mageexists.. In short, hindi ka sisikat... "Sisikat"... Hindi yun necessarily na maraming nakakakilala sayo at para kang celebrity.. Tinutukoy ko ay yung scenario na magiging boring ang buhay mo dahil hindi ka nakikipaginteract sa mga tao at magreresulta yun na wala rin silang pake sayo... Parang ganong scenario..

Ok.. Gusto ko lang i-discuss nang medyo seryoso and "Low Profile Gamin"

Simulan natin sa mga perks.. Ano ba ang perks nang pagigigng Low Profile..?

Parang ganito yan eh... Kapag hindi ka sikat.. tahimik ang buhay mo.. As simple as that... Ang pagiging unpopular ay ang magiiwas sayo sa mga unnecessary activities na pwedeng harapin.. Example, mga responsibilities at mga disturbances... Bahala ka nang maginterpret kung anong mga activities na yun... Tandaan, kung hindi ka nga makiki-epal, hindi ka rin nila aabalahin.. Ganon ang main concept.. Pwede ring macompare ang sarili mo sa hangin... Ang hangin nandiyan lang yan..  Hindi siya nakikita.. Nararamdaman lang... (Ayos ba yung description?) WHAHAHAHAHA...

Ano naman ang disadvantages nang pagiging low profile?

Ok... ano ang mga consequences nang "Low Profile"... magiging boring ang buhay mo.. Hindi ko sinasabi na lahat nang tao ay makakaranas nito, pero kapag ikaw ang tao na hindi sanay na hindi mapansin, tiyak masasasabi mong "ANG BORING"... Parang ganon.. Syempre... Wala kang magawa.. Wala kang makausap.. Worst case scenario, uuwi ka na lang.. At dahil diyan, mas lalo ka pang malulugmok sa never ending cycle nang "Low Profile Gamin"... In contrast sa analogy sa perks nang LPG, hangin ka nga, manananatili kang hangin at hindi ka talaga mapapansin... Unless, isa kang smoke bomb or fart bomb na makaka-agaw ka nang eksena..

So ang bottomline ulit.. Bahala ka na kung saan mo ilulugar ang sarili mo... As what I said, may perks at disadvantages ang LPG.. Kanya kanya lang nang tactics kung pano mo susundin to... (Kung susundin mo)..

At one more thing.. Kung masaya dahil LPG ka, ituloy mo lang yan kung masaya ka pa... Ano naman ngayon kung hindi ka High Profile diba? Sabi nga ni Carmina... "Basta ako pretty?!" Whahaha! Sa mga nagmumokmok naman dahil LPG sila, spread your wings.. Explore all the possibilities... Start the step up process.. Yun lang naman ang paraan eh... Maki-epal ka... Maki-alam... Malamang yung mga tao na hindi sanay ay magsasabing nakikiepal ka.. pero lilipas din yun at magiging one of them ka rin..

Yun lang... Naglalatag lang nang isang argument..

Kung may aral kang mapulot.. Wow naman... Shenes..

Yun lang

LightningSnow :)

2 comments: