Dear Blog,
Backstabbing...
Alam naman nating masama yun diba? Yun yung paguusapan niyo nang mga kasama niyo ang isang tao sa kanyang likuran.. Literally, binabadmouth niyo yung taong yun..
Anong sense nang pagkakaroon nang backstabbing? Bakit ba nagkakaroon nang ganon?
Well. kung titingnan natin, may mga moment kung saan sa sobra nating stress sa isang tao, hindi natin maiiwasan na i-badmouth natin siya sa harap nang iba para mawala at mabawasan ang stress mo.. Pwede rin yung, pinagkaisahan niyo yung tao kaya napagusapan niyo.. Or yung pinaguusapan niyo yung negative qualities nang isang tao..
Ang sakit isipin pero ganon talaga ang buhay.. Hindi mo mapleplease ang lahat... Dadarating ang panahon na isa ka rin sa target nila... (Drama brad) Pagka-ganon, mapapa-atsing ka naman eh... Bahala na kung anong sign ang ibigay sayo, umatsing ka man, mabilaukan, madapa sa kalye nang hindi sinasadya at iba pa.. Pag may mga nangyayari sa yong ganon, tiyak bentang benta ka sa usapan nang isang grupo na siguro may kasamang inuman kaya no holds barred yung paguusap nila sa'yo..
Pero.. Syempre may maganda ring side yung Backstabbing... Sa opinyon ko lang ah... pampatanggal siya nang stress.. kahit konting-konti lang.. makakatulong siya..
Mas masaya pala ang buhay kapag ikaw lagi ang kasama sa mga backstabbing sessions.. Yung ikaw lagi yung takapakinig.. Bakit? Syempre, safe ka sa usapan.. for the meantime.. Pero, ingat ka brad, pag alis mo, baka ikaw na ang susunod na target..
So mga kaibigan, nag-oopen ulit ako sa inyo nang isang makabuluhang topic.. Nasasa-inyo yon kung anong side niyo basta ako parang nakakaramdam ako nang isang backstabbing session... Makikisama na lang muna ako dun, baka safe.. Basta tandaan, may karma... Bahala na ng karma sayo kung magiging good or bad siya..
Yun lang,
LightningSnow :)
No comments:
Post a Comment