Dear Blog,
Masasabi ko na may maganda nangyari sa kin noong isang araw...
Bakit? Kasi ang swerte ko..
Bakit ako swerte? Kasi, may mga bagay na akalain mong mangyayari at ako ang benefactor..
Bakit ako ang benefactor? Kasi, kahit sa anong angle mong tingnan, ako ang swerte..
Bakit ako swerte? Kasi, wala talaga sa plano yung mga nangyari and yet natuwa ako at na-enjoy ko ang moment na yon..
Bakit ko na-enjoy yung moment na yon? Kasi, astig talaga siya.. Wala lang..
Ano ba ang nangyari? Isang unexpected encounter sa isang car show.. HAHAHA!!
Malamang sa mga nakakakilala sa kin, alam nila ang pinatutunguhan nang kwentong to pero ikukwento ko pa rin.. May isang Car show sa school namin.. At kapag may Car show, may girl show din.. (If you know what I mean) Tamang-tama, may dala akong camera at sa hindi malamang kadahilanan, nasaniban ako ni God of Trip... Nag-one man army ako dun sa show.. Man on a mission, at ang mission ko ay makapagpapicture, mapag-car man yan o girls... At nagawa ko ang mission ko... Mission Accomplished.. May kasama pang picture yun ah.. Pero ito ang matindi, hindi ko kilala yung pinapapapicturan ko pero, sikat pala yun.. Imba-nescence.. AJ Suller brad..
In short, swerte..
So anong point..? Ito ang point...
Umalis ako nang school... Masasabi kong malas ako..
Bakit ako malas? Nasira ang akong formal shoes na alam natin mahal ang mga formal shoes..
Bakit ako naka-formal shoes? Kasi, may seminar before the event..
Bakit nasira? Nakuyog siguro nang maraming tao..
Bakit ako malas? Dahil napabili ako nang mighty bond na hindi pala effective gamitin sa ganong situation.. At dahil dun, ubos ang pera..
Bakit mighty bond? Kasi nga, mighty bond.. Yun yung sabi sa commercial eh
Takte.. wala pa naman akong extrang foot wear!!
Anong nangyari? Nagparescue mission ako sa mga kakilala ko
So, anong point? Ito ang point..
May times sa buhay mo na ang swerte swerte mo... Parang ang taas nang stats mo sa luck at nangyayari sa yo ang mga pinaka-advantageous things sa buhay mo.. Pero wag ka, syempre ang buhay ay kailangan rin nang balance.. Kapalit nang swerte mo, magkakaroon ka nang malas.. Parang bola lang yan eh.. Minsan nasa taas, minsan nasa baba.. Nagkataon na galing ako sa taas noon moment na yun pero yun lang, downfall agad..
At least enjoy no? It was a fun experience...
Yun lang,
LightningSnow :)
No comments:
Post a Comment