Tuesday, January 29, 2013

Dear Blog: Swerte

Dear Blog,

Masasabi ko na may maganda nangyari sa kin noong isang araw...

Bakit? Kasi ang swerte ko..

Bakit ako swerte? Kasi, may mga bagay na akalain mong mangyayari at ako ang benefactor..

Bakit ako ang benefactor? Kasi, kahit sa anong angle mong tingnan, ako ang swerte..

Bakit ako swerte? Kasi, wala talaga sa plano yung mga nangyari and yet natuwa ako at na-enjoy ko ang moment na yon..

Bakit ko na-enjoy yung moment na yon? Kasi, astig talaga siya.. Wala lang..

Ano ba ang nangyari? Isang unexpected encounter sa isang car show.. HAHAHA!!

Malamang sa mga nakakakilala sa kin, alam nila ang pinatutunguhan nang kwentong to pero ikukwento ko pa rin.. May isang Car show sa school namin.. At kapag may Car show, may girl show din.. (If you know what I mean) Tamang-tama, may dala akong camera at sa hindi malamang kadahilanan, nasaniban ako ni God of Trip... Nag-one man army ako dun sa show.. Man on a mission, at ang mission ko ay makapagpapicture, mapag-car man yan o girls... At nagawa ko ang mission ko... Mission Accomplished.. May kasama pang picture yun ah.. Pero ito ang matindi, hindi ko kilala yung pinapapapicturan ko pero, sikat pala yun.. Imba-nescence.. AJ Suller brad..

In short, swerte..

So anong point..? Ito ang point...

Umalis ako nang school... Masasabi kong malas ako..

Bakit ako malas? Nasira ang akong formal shoes na alam natin mahal ang mga formal shoes..

Bakit ako naka-formal shoes? Kasi, may seminar before the event..

Bakit nasira? Nakuyog siguro nang maraming tao..

Bakit ako malas? Dahil napabili ako nang mighty bond na hindi pala effective gamitin sa ganong situation.. At dahil dun, ubos ang pera..

Bakit mighty bond? Kasi nga, mighty bond.. Yun yung sabi sa commercial eh

Takte.. wala pa naman akong extrang foot wear!!

Anong nangyari? Nagparescue mission ako sa mga kakilala ko

So, anong point? Ito ang point..

May times sa buhay mo na ang swerte swerte mo... Parang ang taas nang stats mo sa luck at nangyayari sa yo ang mga pinaka-advantageous things sa buhay mo.. Pero wag ka, syempre ang buhay ay kailangan rin nang balance.. Kapalit nang swerte mo, magkakaroon ka nang malas.. Parang bola lang yan eh.. Minsan nasa taas, minsan nasa baba.. Nagkataon na galing ako sa taas noon moment na yun pero yun lang, downfall agad..

At least enjoy no? It was a fun experience...

Yun lang,
LightningSnow :)


Tuesday, January 22, 2013

Dear Blog: Old Friends

Dear blog,

Ahm... Syempre, ang buhay nang tao ay may iba't-ibang chapeters.. Ika nga, ang buhay natin ay isang malaking libro.. At sa bawat chapters, may iba't ibang characters na bumuo nang story.. Ok, ang ibang characters sa isang chapter ay syempre yung mga kaibigan mo..

Sa mga kaibigan, may term na kung tawagin ay "old" friends.. Old in a sense na dati... Parang "may pinagsamahan" kung titingnan natin...

Mayroon akong experience na kung saan naka-interact ko ulit yung mga "old" friends ko... It was a fun experience... So, mayroon akong lesson na na-formulate.. Wag mong kakalimutan yung mga "old" friends mo.. Syempre may mga pinagsamahan rin kayo diba? You must respect that.. Malay mo may mangyari sa kanila ay ma-shock ka na lang... Lubos lubos din nang mga moment brad... Parang ganito ang point, mapa-old o mapa-new, kaibigan mo pa rin yung mga yan...

"Old" friends are still friends... They just literally get older... Diba? (Imba ba yung quote? Nyahahaha!!!)

Yun lang,
LightningSnow :)

Monday, January 21, 2013

Dear Blog: Ang paggawa nang necessary evil

Dear Blog,

Minsan may mga drama moments sa tv or movies na kung saan may isang character, mostly tragic, ay gumagawa nang isang evil deed tapos yun pala may reason siya about dun at sa bandang huli siya ang lalabas na awesome..

So, sa tingin ko.. Isa to sa mga tinatawag na necessary evil..

Gusto ko lang mag-share tungkol dito sa "necessary evil" na sinasabi ko..

Kapag ba gusto mong pumasa sa isang subject by hook or by crook (tama ba yung phrase?), syempre gagawin mo ang kahit anong paraan para pumasa diba? Let's say in the form of unhealthy competition at mga kung anek anek na mga methods kung saan nagbibigay sayo nang 100% chance of passing... Sa tingin ko, necessary evil yun...

Another example, ang pagsisinungaling mo sa kapwa para makaiwas ka sa mga scenario na hindi kaaya-aya or pabor sa status mo... Yung tipong mga white lies.. Sa tingin ko, necessary evil yun..

Another one, ang pakikipagkapwa mo sa iba para makuha niyo ang common goal.. Sabihin natin (DARK SIDE Mode) na naggagamitan kayo... Sa tingin ko, necessary evil din yun..

So anong sense?

Wala lang.. Parang nag-come up lang ako sa isang realization na may mga moments, sinasadya man o hindi, expected man or unexpected, direct man or inderect... Nakakagawa tayo nang mga evil sa buhay... Well, naiisip ko lang siya...

Hay naku... Napagalitan ko kasi yung aso namin 1 hour ago dahil kukunin niya ang ulam ko which is dangerous para din sa kanya... Sa, tingin ko, necessary evil din yun... Parang tanga lang no brad?

Nonsense.. HEHEHE

Yun lang,
LightningSnow :)

Tuesday, January 8, 2013

Dear Blog: Cyberbullying ba to?

Dear blog,

AAAAARRRRGHHHH!!

Bad trip! Bad trip talaga..

One time meron akong na-encounter na isang site na pede kang gumawa at magpasa nang mga reviews sa mga shows na napanood mo... Isa siyang free for all site, meaning lahat pedeng gumawa nang reviews.. Ako naman, gumawa nang review para lang makagawa, total ang review ay parang isang reflection paper lang naman... Ok, meron pang mga nakalagay na guidelines at isa sa mga nakasulat ay "state the reason why you like the series".. In short, gumawa ako nang review na merong reasons bakit ko nagustuhan yung said series... Ok, aaminin kong medyo mababaw ang mga reasons at mukang hindi pang-pro ang paggawa ko nang review.. Hindi ko nga ineexpect na ginto yun eh, meaning hindi ko sinasabi na maganda ang pagkakagawa nang review...

So ito ang problema, may nang-slam sa gawa ko, meaning may kumutya... Talagang inislam niya ako at sinabihan nang something na ang generalized meaning ay hindi ako karapat-dapat sa site na yun.. Medyo nakakasakit naman yun brad... Tingnan mo, talagang may comment pa siya dun ah..

Ok, I accept na hindi akong magaling nang review.. Ou, pangit ang pagkakagawa ko.. Pero naman brad, bakit kailangan mong ipagduldulan sa mukha ko na ganon.. Hindi ka ba nakaka-intindi nang trip or privacy man lang... HAY NAKU!! Nakakainis.. Bad trip talaga.. So anong gusto niyang sabihin? May mga master reviewers sa site na yun? Ang buhay nga naman... Natural siyang may hierarchy.. Kung ikaw ang nasa taas, confident kang tumingin sa mga nasa baba..

Hindi ako sure kung nasa position akong mag-outburst nang ganto, pero nakaka-irita lang.. Pero, siguro yung nag-comment na yun ay nadala lang din sa passion nang mga ginagawa niya.. Tama din na i-accept ang ganong comment para sa susunod ay ma-iimprove mo na ang sarili mo.. Pero, kung ganon nga ang reasons niya, masakit pa rin sa pakiramdam yung nangyari.. Nakakainis no? So please bear with me, OK? Siguro ganon nga ang ibig sabihin nang Cyberbullying.. Hindi kaya?

Naintimidate ako sa ganong pangyayari.. Na-delete ko na rin yung article na ginawa ko.. Baka may mga makigaya pa eh.. Magsama-sama kayo mga brad ha...

HAAAY NAKU!! Hindi na ako gagawa nang mga reviews or makikihalobilo sa mga ganong type of sites kung may mga manggaganon lang.. Bad trip eh..

Yun lang,
LightningSnow :)

P.S.
Baka naman may mang-slam pa sa post na to.. sarili ko na tong site..