May napansin lang ako sa school kahapon...
Nagbigayan ng mga exam results ang prof namin.. Halos lahat sa section namin ang tataas ng grades, pano kasi panay imba... OK.. Lahat sila ay imba kaya unusual ang makakakita ng may tagilid na grade.. (Hindi ko lang alam kung ako lang ba ang nakakaobserve nito)..
Kung ako ang tatanungin, hindi naman akong imbang student.. Tama lang siguro.. Kaya ang score sa exam, tama rin.. Average.. Kaya lagi akong nasa alanganing situation, at proud akong sabihin yon..
Noong bigayan ng exam results, may nakita ng kaklase ko yung exam grade ko na 'tama' lang... Sinabi niya sa akin... "Kaya pa yan... Bawi lang"..
"Kaya pa yan, Bawi lang..."
Ou, mga words of encouragement ang mga ganitong salita... Pero, may naiisip lang ako (bitter mode activate).. Hindi kaya mataas-taas lang ang grade niya sa kin at nakakapagsabi siya ng ganon? Hindi kaya nasa safe mode siya compared sa akin kaya nakakapagsabi siya nang ganon? Thoughts lang... Kasi may mga tao akong nakikita na malakas magbigay ng words of encouragement pero kapag sila ang nasa alanganin, grabe ang pag-eexpress ng stress...
Ahm... Sabihin na natin na may pag-ganon din ako, pero tiyong naman... Hindi makakatulong ang words na "Bawi lang".. Hindi naman sa nagiging (hindi ko alam yung word eh, sarcastic kaya?) ako, pero in reality at sa ending, ikaw pa rin ang nasa taas at ako pa rin ang nasa baba... Ikaw ang nasa safe zone, at ako ang nasa hell zone.. Buti sana kung may transfer of points at magdonate ka ng points sa 'tama' lang na score sa exam, ma-aapriciate ko pa yun.. hahaha
Pagsensyahan niya at naka-bitter mode ako... Pero may times na nakakaasar lang... Pero kung ako ang nasa situation niya, hindi ko alam kung sasabhin ko ang mga words na "Bawi lang" kasi nga nag-open ako ng ganitong topic.. (If you know what I mean)
Yun lang
LightningSnow
No comments:
Post a Comment