Thursday, September 25, 2014

Dear Blog: P*tangin@ naman eh!!! Anong masama sa TAKING IT FOR GRANTED!!!

Dear Blog,

Ang kwento ko ngayon ay nagrerevolve sa nalalaapit na mock exam na gagawin sa school namin.. Ang mock exam na ito ay kailangan i-take nang mga estudyante na malapit na ang graduation at hindi ka makakagraduate hanggang hindi ito napapapasa. Ang passing percentage nang exam na ito ay napakababa, kaya sure fail ang results sa mga hindi taos puso ang pagaaral.. Kaya ang tendency ay nagkakaroon sila nang mga nth take.

Ang situation ko ay ganto, malapit na akong grumaduate.. Thus, nagtatake ako nang mock exam review subject at kailangan magtake nang mock exam sa dulo nang term. Hindi ako tulad nang iba, na last term na sa aming school. Meron pa akong isang term na natitira thus, kapag napasa ko yung mock exam, hindi pa ako mamarcha agad.. Ang mga last term na sa school namin ay sure ball pressured na ipasa yung mock exam kasi nga para marcha na sa sususnod.. WALANG PROBLEMA AT GOODBYE SCHOOL NA... Dahil sa hindi pa naman ako gragraduate agad, hindi ako pressured at tinatak ko sa isip ko na itatake ko yung mock eam for the experience, para makita ko yung mga kalakaran sa exam at kung ano yung mga lalabas sa exam... Kahit saang angulo mong tingnan, TAKING FOR GRANTED tong ginagawa ko... AT AMINADO AKO DUN... Syempre, may mga dahilan ako kung bakit pero ang point ko, ang mga dahilang ko ay sapat para sabihin na hindi ko kailangan seryohin muna ang mock exam...

Pero P@tangin@, kapag nakikipagusap ako sa ibang tao.. Panay ang sabi sa akin na SAYANG... Bakit ganon daw ang pagiisip ko? Sayang ang opportunity.. Sayang ang chance.. Ang iba sabi pa ay, dapat seryosohan na para pag nakapasa, OK na... wala nang problema... Trtry kong mag-explain pero ang usapan namin ay madodominate nang "sayang" na usapan...

OO, ganon talaga... PERO P@TANGIN@ NAMAN!!! MAGKAIBA TAYO... MAY DISKARTE KA, MAY DISKARTE AKO!!! HELLO!!!

Tama ang mga argument nang mga taong ganon.. Pero ang akin lang, hindi ko naman gagawin yung "Taking for granted" kung wala akong dahilan eh... Lahat tayo sa mundo ay may kanya kanyang circumstances.. Hindi lahat nang tao ay pare-parehas nang pinagdadaanan.. Nagkataon lang na ang daan na pinili ko ay what is good for me and for my business... Sabi ko sa sarili ko na ayaw ko pang mahirapan kasi hindi pa naman nalalapit ang graduation march ko eh... Thus, nagaaral ako pero hindi seryoso... MGA GANONG ARGUMENT BA...

Ang masasabi ko lang sa mga taong nagsasabi sa akin nang "SAYANG"... SAYANG NGA... ganon talaga eh... sayang naman talaga.. Parang sinasabi nila na edi sana kung ayaw mong magseryoso at mahirapan, edi hindi mo muna ti-nake yung Mock Exam Review Class nang sa ganon hindi ka pa magtatake nang Mock Exam sa dulo... GUYS, OO TAMA KAYO PERO ISANG MALAKING MIDDLE FINGER SA INYONG LAHAT...

ISANG MALAKING MIDDLE FINGER SA INYONG LAHAT SA PAKIKIALAM SA AKING GAME PLAN... May kanya-kanya tayong game plan... At yung akin, ginagawa ko lang...

To be fair naman sa mga kalaban ko... Tama kayo... No doubt.. Dapat ngang wag sayangin ang mga opportunities na dumarating sa buhay kasi baka hindi na ulit dumating yan... Ganon yung point niyo nakuha ko na... Pero, buhay ko to... Alam ko ang aking sarili... Alam ko ang aking kakayahan... Kaya ko naformuate ang plano ko which is, I am going to repeat my statement, good for me and good for my business..

Kaya ang Moral Lesson nang post na ito ay... KANYA KANYANG DISKARTE LANG YAN... Sa mga magtatake nang Mock Exam, good luck.. Pero kung nagkataon na bumagsak kayo sa kabila nang efforts niyo, ok lang yan... may pagkakataon pa rin... At least ako hindi stressed!!!! HAHAHAHAHA

Yun Lang,
LigthningSnow :)

Thursday, August 7, 2014

Dear Blog: TAG SOMEONE THAT YOU WERE CLOSE BEFORE

Dear Blog,

Habang nag-FFB surfing, may nakita akong post na nagsasabing ganto..

"TAG SOMEONE THAT YOU WERE CLOSE WITH BEFORE"

Ganon... And parang may naalala akong tao na sakto sa description na ito... Though syempre hindi ko siya ti-nag pero habang nakita ko ang post na to, sinapian ako nang sudden loneliness.. Kasi naalala ko na close kami dati, pero ngayon hindi na... Hindi naman kami magkagalit or what.. basta bumaba lang yung level of friendship.. Babae yung kaklase ko na yun.. At syempre rare ang magkaroon nang babaeng ka-close..

Yung Kaklase ko kasing yun, close ko talaga dati.. Syempre ang pinaka-best way para maging ka-close mo yung isang tao is yung lagi mo siyang kasama.. Eh, nagkataon na kasama ko siya sa dalawang terms sa pinapasakan king school.. Tapos, dahil ang sistema sa school namin ay hindi uso yung permanent friendship ang allegiances, dumating ang point na hindi na kaming magkaklase.. And then, it happened..

Syempre, ang tendency noon ay moving on... Nakahanap siya nang friendship circle, meron din akong nahanap din.. Pero nagkakakita naman kami sa hallways, sa club activity, sa extra curricular activities or what.. Hindi naman talagang hindi nagkakitaan.. Tapos dumating ang point na maging magkaklase ulit kami sa isang subject na kailangan tapusin in three terms.. naging magka-group kami, which means for the next three terms, magkasama kami... Noong nagkaroon na nang group meetings and sessions.. parang nawala yung friendship level noong magkasama kami.. Syempre, understandable naman yun.. At syempre understandable din na mas close siya sa mga naging kasama niya for the past terms..

Pero ang masaklap dun is yung, may isa akong katropa na naging ka-close niya sa ngayon... Yung tipong parang "may patutunguhan na close", though hindi ko na problema yun.. Pag magkasama sila, para silang may sariling mundo.. Hindi ko naman talaga proproblemahin yun kasi buhay nila yun pero ang akin lang, pagka magkasama kami sa mga groups namin nag-deteriorate talaga.. Parang laging professional yung feels. Syempre from my point of view lang yun.. Ang point ko lang is nakakatampo lang nang konti.. Kahit konti man yung level na yun, nakakatampo pa rin..

Kahit sabihin natin na nagmumuka akong tanga dahil ganon yung line of thought ko.. Wala lang, just saying lang naman..

Pero, kung iisipin mo no, parang ang liit lang nang problema pero ang laki nang impact... Close kayo dati tapos makikita mo na grabe silang kaclose nang iba, tapos pagdating ulit sayo parang casual na lang... That's BURNING BRIDGES... tama ba?

Hanggang dito na lang, para kasi talagang tanga din pagka-eexpand ko yung argument na ito..

Yun Lang,
LightningSnow :)

Saturday, July 12, 2014

Dear Blog: Ito na naman tayo sa DUWAGERS mode

Dear Blog,

Nandito na naman ako sa phase na kung saan magiging duwag ka sa isang babaeng na-label mong "crush". Yung tipong hindi naman "crush" ang register niya sa utak mo tapos magiging "crush" na ngayon thus, magbabago ang algorithm nang utak mo at magsisimulang magbago ang perception mo.. Parang ROBOT lang diba?

Eh.... wala eh!! Nakakainis pero ito yung personality ko..  Ewan ko ba kung bakit... pero ganon na nga.. nagiging duwag ako sa "crush" ko.. Ilang beses ko nang pinlano na ichat siya sa FB or itxt pero sa tuwing nagkakaroon nang success ang mga mission na ito, nawawalan naman ako nang mga sasabihin.. Hindi naman talaga ako ganito pero that happens...

THAT FEELS..

Pero ang good thing lang dito, hindi siya yung katulad dati na talagang bitter na bitter ako sa sarili ko kasi wala akong magawa.. Yan ang naibibigay nang experience... HAHAHAHAHA.. Dati ang sakit sa puso, pero ok na.. THAT'S THE GOOD THING.. I'M DAMN PROUD OF IT..

Wala lang... sinasabi ko lang ang mga to para magkaroon nang bagong post sa blogsite na ito.. Matagal na rin kasi since yung last post ko eh.. siguro dahil hindi ako BITTER katulad nang dati pero hindi ibig sabihin noon na pang bitter lang ang mga post na nandito sa site na ito.. Isa lang itong return post..

Sige yun lang,
LightningSnow :)

Thursday, May 15, 2014

Dear Blog: What's wrong with being ang OTAKU

Dear Blog,

This past few days natapos ko ang anime na Outbreak Company..

From the Pilot Episode, there is this scene in which the protagonist was rejected by his childhood friend because of the fact that he is an OTAKU... After that, scene the protagonist woke up and shouted "WHAT'S WRONG WITH BEING AN OTAKU!!!!"

Tapusin natin ang English part... Balik tayo sa tanong.. "What's wrong with being ang OTAKU?" Nakarelate ako dito kasi a year ago may similar situation akong naranasan..

A year ago, in love ako sa isang kolehiyala.. (Parang kanta lang) Tapos nagkaroon ako nang instagram account.. Since kasama talaga sa rituals nang social media ang #TBT or throwbackthursday, nag-participate ako.. Out of sometimes malakas na trip na personality, nilagay ko ang picture ko nang highschool na naka-cosplay nang isang sikat na anime character.. Naka-synch ang post sa FB kaya kita nang mga friends ko, at maraming natuwa, nag-like at nagcomment.. Nakakatuwa nga naman, kasi ang pagkakakilala sa akin sa school ay hindi ganon and yet may ganon pala akong background..

Balik tayo dun sa sinasabi kong situation, yung sinasabi kong babae, talagang failure na yung conquest ko dun.. Matagal na akong naka-move on kaya no bitterness included, nagrereflect lang.. Since na fail na yung conquest ko, nagtatanong ako sa mga informant ko kung bakit nauwi sa ganon ang lahat.. At sabi nang informant ko, na-inpluwensyahan yung babae nang mga kaibigan niya na wag akong seryosohin kasi daw isa akong "weirdo".. Inuulit ko, "WEIRDO" at bakit? DAHIL DUN SA COSPLAY POST

"Otaku is a Japanese term for people with obsessive interests, commonly the anime and manga fandom."

At dahil diyan parang pede mo ring sabihin na ang weird nang cosplay na ginawa ko.. Parang ganon.. Kahit sabihin mo o sabihin nang iba na ako lang ang nagsasabi nun.. pede rin mo ring sabihin na yung sinabing kong point ay legit... Minsan kasi may negative effect ang OTAKU, depende sa mga taong nag-viview dito.. Kaya yun.. Dun papasok ang "WHAT'S WRONG WITH BEING AN OTAKU?"

Wala eh... Na-labelan nang "Weird" tapos natapos na rin ang conquest na yun, super tagal na.. Syempre, maraming factors naman kung bakit failure ang conquest pero ang kwentong to ay isa sa mga point...

So, what's the moral lesson?

1) Respect OTAKU... Respect will lead to respect in return... Do unto others what you want other do unto you.. May mga hindi pa nakaka-appreciate nito, they need to be enlightened.. hehehe

2) Be proud of being an OTAKU.. Ask Me and I will answer, I am d*mn f*cking proud

3) Kung OTAKU ka at kung gusto mo nang masayang buhay, choose ang OTAKU partner para happy ever after..

Kapag nagawa mo yun, you will no longer reflect on the question of "WHAT'S WRONG WITH BEING ANG OTAKU"


I hope it will bring some point and sense to the readers as well as me..

I repeat...  There is no bitterness here,, just a reflection of past events


Yun lang,

LightningSnow :)

Dear Blog: Lakas nang mukha at TRIP lang

Dear Blog,

Sa mga panahon ngayon, natuto na akong mag-adjust sa environment nang school na aking pinapasukan.. Natutunan ko na para mabawasan ang pagka-anonymous mo, gawa-gawa din nang mga moments na magpapa-increase nang iyong noteriety.. At isa yung sa mga pinagkakaabalahan ko..

Hindi ito criminally inclined na noteriety.. Kundi mga "not-so-good" na "not-so-bad" actions na nagpapaincrease nang noteriety... Katulad na lang nang mga pagpapicture sa mga bagay-bagay.. Minsan legendary scene, minsan legendary moment o best, legendary girl.. Parang ganon.. ang bottom line, masasabi kong may mga pagka-imbanescence ang level nang mga nagagawa kong bagay na ilalagay ko sa filter na "trip"..

One time, napapunta ako sa isang cosplay convention.. Tapos, meron dun mga cosplayers.. malamang.. At 50 percent nang mga cosplayers ay babae.. malamang... At syempre, dahil malakas ang  "trip" ko, panay ang pa-picture sa mga beautiful cosplayers.. Ganon talaga eh... Kailangan niyan sa buhay.. At dahil sa kahit anong angulo mong tingnan legal yung papicture, nilulubos-lubos namin... Ang masaya diyan, kahit hindi mga cosplayers nagpapapicture kami.. Walanghiya mga PAL!!!

In short, kapag malakas ang mukha mo, malakas rin ang trip mo.. Kapag malakas ang trip mo, maraming kang bagay na magagawa, kahit yung mga hindi mo masyadong nagagawa.. Yung mga pedeng sabhin na "out of character".. Parang ganon..

Nagbibigay lang ako nang sharing sa life lesson na natutunan ko... Important na, medyo malakas rin ang trip mo paminsan-minsan.. kasi once in your life, kailangan mo nang mga experience na hindi magpapanatili sa'yo sa "loser" level.. Kailangan rin nang mga moment of triumphs.. ECHOS!!!!

Kaya ganon na nga mga tropa... MINSAN KAPALAN ANG MUKHA PARA MAGING MALAKAS ANG LOOB... Simple as one, two, three... Ang importante dun, pagkatapos nang mga ganong pagkakataon, hayaan mo ang mga kasama mo ang mag-kwento nang moment of truimph mo.. Wag kang magbubuhat nang sariling bangko, para masarap sa pakiramdam.. Kung sobrang epic nang nagawa, be humble all the time.. Baka bawiin ang blessings.. Whehehehehe...\

Yun lang,
LightningSnow :)

Sunday, March 30, 2014

Dear Blog: Socially Awkward Problems

Dear Blog,

I am a little bit kind of a socially awkward person.. Socially Awkward... Well, ang pagkaka-intindi ko ay ito yung tipo nang problema na kung saan may problemang sa pakikipag-interact sa ibang tao.. Yung tipong, ilang sa communications.. Pwede siguro dahil siya ay nahihiya.. Pero sa tingin ko ganon ang primary reason.. Nahihiya makipag-communicate kasi hindi alam ang sasabihin or dahil baka rin natatakot ma-reject..

Katulad nga nang sinasabi ko kanina.. May pagka-socially awkward akong type nang tao.. Minsan nahihirapan akong makipag-communicate sa ibang tao, especially girls.. Madali lang sana makipag-communicate pag alam mo na ang sasabihin mo o alam mo na yung point nang usapan niyo.. Pero mahirap kung ang usapan ay on the spot.. yung wala kang script or wala kang planong flow nang conversation.. Syempre, kailangan mong mag-improvise.. Pero minsan, too much improvisation can cause multiple problems.. Minsan hindi maganda ang maiisip mong flow nang usapan, minsan naman maganda.. Depende yung sa response nang taong kasuap mo.. Napapansin ko yung mga ganitong flow kapag nakikipag-usap ko nang hindi direct, such as txts and FB chat.. Ma-se-sense mo yung boring/uninterested response mula sa kabilang party..

Pagkaganon.. GGhan.. Ganon ang dahilan kung bakit ako unti-unting nagkakaroon nang socially awkward problems.. Minsan naglalakas loob akong makipag-communicate nang walang planong sabihin or flow of conversation.. Kasi sinasabi ko sa sarili ko na, bakit kailangan kong gumawa nang script? Just act natural, and all will follow.. Eh, hindi maganda ang response.. Pangit.. Worse, seenzoned.. No reply.. BS yun dre!!

Sa aking opinion.. Nagiging socially awkward ang isang tao kapag hindi niya naprapractice ang skills niya sa communication.. Pero hindi natin masasabi na all the time, successful ang communication.. May seenzoned nga diba? Kapag ganon, may mga scars yang iiwan sa atin..

Hindi lahat nang tao ay socially awkward.. May mga tao rin naman malakas ang loob.. Well, sila yun eh.. Hindi ako..  Kung tutuusin, mas maganda siguro kung makipagcommunicate ka in person.. No BS, no seenzoned, no long rep, no kalimutan.. At least makikita mo yung reaction live on PPV.. Makakapag-adjust ka pa sa situation..

Well, ang point nang post na ito is pagcocomment sa isang napakawalang kwentang flaw sa aking sarili.. May gusto akong kausapin, pero wala akong masabi.. THUS, wag na lang makipagcommunicate muna.. Baka mag-mukha lang tanga.. at magmukang pwersahan pa ang usapan..

Yun lang,
LightningSnow :)

Thursday, March 27, 2014

The Ultimate Gaming Experience: Anong sense nang gaming laptop kung ang laro ay LAGGERS?

Dear Blog,

It's totally bullshit!! Napaka-bullshit isipin na may laptop ka na nagsasabing kaya ang mga latest games pero pag na-installan mo na nang favorite mong game.. LAGGERS!!! AS IN F*CKING LAGGERS!!!

Bago ang laptop namin sa bahay... Bagong series to at syempre medyo bago-bago ang mga specs.. Syempre ang algorithm kapag bago ang specs, dapat matik na ang backward compatibility sa mga previous generations nang specs.. At dahil dun, syempre dapat ahat nang mga luma-lumang games ay gagana nang mabilis at no interruption sa bagon laptop..

Naglagay ako nang Assassin's Creed Revelation.. Isa akong big fan nang series.. I am a super big fan of the AC Series.. I watched all the walkthroughs in youtube the moment the games were released.. Thus, I am looking forward to play it myself in PC using the new laptop... Yeah, that's right... Nagsimula na akong maglaro nang mga Assassin's Creed sa laptop.. Nagsimula ako sa AC2 then AC: Brotherhood.. Walang problema ang dalawang games na yun... Then, AC: Revelations came... Nag-install ako at super lag!!! DAMN!! DAMN IT!! DAMN TALAGA!!! HAHAHAHAHA

Napatawa na lang ako eh... Ang lagging sa mga ganitong klase nang games ay unacceptable.. Isang wrong move lang, mahuhuli ka nang mga kalaban.. Thus, mag-mi-mission fail.. And that's F'N bullshit!!!

Well ganon ang nararamdaman ko ngayon pero may times na mabilis tumatakbo ang game.. Pag ganon, tuwang tuwa na ako pero syempre hindi siya consitent.. Dapat may consistency.. Kapag na-conditoon ang utak mong laging lag ang game.. syempre ang tendency is magwoworry ka lagi sa simula nang game.. Kasi aabangan mo kung lag ang game or hindi..

Ganon ako ngayon.. Natyaga ko ang AC: Revelations.. tapos ko na siya.. Nasa AC3 na ako.. pero lag scenario pa rin.. Kailangang tyagain.. Hindi ko alam kung sa laptop ang problema eh.. Pero iyak tawa na lang ako,,, Ang pinaka-favorite kong game series ay hindi malaro nang matino sa laptop.. Bullshit men!!!

Alam mo yung pinaka-masakit dun.. Ang game such as NBA2K14, Skyrim and DmC gumagana nang matino.. Considering the fact na mas latest ilabas yung mga yun..

Bago pa man may mang-bash sa akin at sabihan ako na pag-aralan ang specs.. Hindi ko alam yung ga technicalities.. Lumapit na rin ako sa mga nakaka-alam at wala rin silang nagawa.. Parang hindi ako destined laruin ang mga larong pinakamamahal ko... It's like DRAMA MUCH

HAHAHAHAHA... Mukang pathetic ang post na to.. Pero ang pathetic talaga nang feeling na nandun ka na hindi pala pede.. Ganon yung nararamdaman ko ngayon

ECHOS!! BOOM PANES!!

Yun Lang,
LightningSnow :))

Dear Blog: Joker ka ba? Nakakatawa pa ba?

Dear Blog,

Ako lang ba nakakapansin?

Ang mga joker type nang tao ay talagang hindi sineseryoso.. Siguro dahil mataas ang level nang kanilang joking abilities, pati ang serious moments ay hindi sineseryoso.. In short, hindi siya sineseryoso..

May times na kailangang magseryoso nang isang tao para maging serious rin ang mga tao sa paligid niya.. Pero ang napapansin ko, sa mga joker type hindi laging ganon ang nangyayari.. Minsan, walang respeto.. Minsan bad trip.. Ako talaga ang tinutukoy ko sa post na to.. Nakakainis kasi minsan.. Minsan kailangan ko nang mag-seryoso, hindi naman ako sineseryoso.. Kahit mag-game face at mag-angry face pa ako.. parang joke time pa rin.. HAHAHAHA

Minsan OK lang.. Minsan hindi.. Pero nakakabastos rin talaga..

Isa pang application nang post ko ay ang situation nang isang tao sa Pag-ibig.. Sabi nila, ang mga joker type nang tao ang mga malalakas sa mga ganon kasi mag-joke ka lang, pede kang makapoints.. Syempre, hindi lahat ganon ang kaso.. May mga instances na sa sobrang lakas nang joking abilities mo, hindi ka sineseryoso nang babaeng pinili mo.. Syempre, hindi lahat ganon ang kaso..

In short, parang napansin ko lang na may instances na sobrang joke time.. ikaw ang na-go-good time.. Masakit pero ang naiisip ko lang ay nakakapagpasaya nang iba..

Related rin sa post na to ang kasabihan na ang mga komedyante ay yung mga taong pinakama-lungkot sa mundo.. Isang double-edge sword ang pagpapatawa.. Isang perspective ko lang to..

In short, may halong glorification nang aking saril ang post na to.. Aaminin ko na joker type ako, at ni minsan wala pa akong na-iiscore sa love life.. Hindi ko maintindihan kung sobrang joke time ba to o may mali rin sa personality ko.. Pero I assume the later.. Ganon talaga ang buhay.. Hindi lahat nakakatawa..

So ano ang lugar ng ayaw taniman ni Satanas?
EDI, KABUTIHAN

Ano ang pinakamahabang insekto?
EDI tipakLONG

BOOM PANES

Yun lang,
LightningSnow :)

Sunday, January 26, 2014

Dear Blog: Exploring deeper into the crushing world of "crushes"

Dear Blog,

Naniniwala ako sa concept nang crush pero hindi mo crush.. Meron kasing mga crush na sobrang crush at meron din naman crush na konting crush lang..

Let's explore the two types, and their respective effects

> Crush na sobrang crush - ito yung crush na kapag tinamaan ka, tinamaan ka.. Syempre pag tinamaan ka hindi mo aam kung anong susunod na mangyayari.. Kapag nakikita mo yung crush mo, hindi mo alam ang gagawin.. Kunwari deadma, kunwari invisible yung taong crush mo kasi nga kapag kaharap mo siya hindi mo alam ang gagawin.. Medyo-GG ika nga.. In short, pedeng may patunguhan tong route na to pede rin hindi, kasi nga nakadepende sa yo yun.. Gagalaw ka ba for the food or for the worse.. That;s the one million dollar question..

> Crush na konting crush lang - Ito yung crush na konti lang ang level. Hindi mataas ika nga.. Meaning may times na parang wala lang pag nakikita mo or pedeng meron din pag nakikita mo.. Ang importante, hindi ka na-oovercame nang mga feelings.. You're f*cking free, walang restrictions.. Pede kang mag-act kung sino ka talaga.. Kasi napansin ko lang, kapag in-admit nang isang tao na crush na crush niya ang isang tao, ang tendency ay magiging restricted na ang mga galaw niya sa harap niya kasi nga masama nga namang magkaroon nang bad impression.. So kapag nandito ka sa side na to, free ka.. Hindi ka ma-iilang sa crush mo.. So pede ring sabihin na hindi masakit pag nag-stalker mode ka at nakita mong may ka-damooban ang crush mo.. <walang hugot to>

So basically, may sarili lang akong version kung ano sa tingin ko ang mga nakita ko.. Maraming iba't-ibang levels of affection at wala akong pake dun.. Hindi naman ako isang totoo psychologist at love expert para ma-rank yun eh.. Parang simplified lang to..

Pero kung ako ang tatanungin, mas maganda ang option 2.. Kasi you are free.. Good for starters to, hindi masakit sa feeling.. Saka na yung option 1 pag may estrablished connection "siguro".. Well, basta kanya-kanyang fate lang naman yan, hindi natin masasabi...

Ako ngayon ay naglalaro sa pagitan nang option 1 and option 2.. Mejo-GG nga kung ganon.. Well, ganon talaga.. Kasi nga hindi natin masasabi..

Sa mga taong nakakabasa nito, siguro may konting tama dito pero ang tanong dun ay kung masyado bang mataas ang affection level niyo sa isang tao.. Kasi pag masyadong mataas tapos wala ka namang ibang ginagawa, masakit-sakit.. Mejo-GG

WHAHAHAHAHA

Yun lang,
LightningSnow :)