Thursday, September 25, 2014

Dear Blog: P*tangin@ naman eh!!! Anong masama sa TAKING IT FOR GRANTED!!!

Dear Blog,

Ang kwento ko ngayon ay nagrerevolve sa nalalaapit na mock exam na gagawin sa school namin.. Ang mock exam na ito ay kailangan i-take nang mga estudyante na malapit na ang graduation at hindi ka makakagraduate hanggang hindi ito napapapasa. Ang passing percentage nang exam na ito ay napakababa, kaya sure fail ang results sa mga hindi taos puso ang pagaaral.. Kaya ang tendency ay nagkakaroon sila nang mga nth take.

Ang situation ko ay ganto, malapit na akong grumaduate.. Thus, nagtatake ako nang mock exam review subject at kailangan magtake nang mock exam sa dulo nang term. Hindi ako tulad nang iba, na last term na sa aming school. Meron pa akong isang term na natitira thus, kapag napasa ko yung mock exam, hindi pa ako mamarcha agad.. Ang mga last term na sa school namin ay sure ball pressured na ipasa yung mock exam kasi nga para marcha na sa sususnod.. WALANG PROBLEMA AT GOODBYE SCHOOL NA... Dahil sa hindi pa naman ako gragraduate agad, hindi ako pressured at tinatak ko sa isip ko na itatake ko yung mock eam for the experience, para makita ko yung mga kalakaran sa exam at kung ano yung mga lalabas sa exam... Kahit saang angulo mong tingnan, TAKING FOR GRANTED tong ginagawa ko... AT AMINADO AKO DUN... Syempre, may mga dahilan ako kung bakit pero ang point ko, ang mga dahilang ko ay sapat para sabihin na hindi ko kailangan seryohin muna ang mock exam...

Pero P@tangin@, kapag nakikipagusap ako sa ibang tao.. Panay ang sabi sa akin na SAYANG... Bakit ganon daw ang pagiisip ko? Sayang ang opportunity.. Sayang ang chance.. Ang iba sabi pa ay, dapat seryosohan na para pag nakapasa, OK na... wala nang problema... Trtry kong mag-explain pero ang usapan namin ay madodominate nang "sayang" na usapan...

OO, ganon talaga... PERO P@TANGIN@ NAMAN!!! MAGKAIBA TAYO... MAY DISKARTE KA, MAY DISKARTE AKO!!! HELLO!!!

Tama ang mga argument nang mga taong ganon.. Pero ang akin lang, hindi ko naman gagawin yung "Taking for granted" kung wala akong dahilan eh... Lahat tayo sa mundo ay may kanya kanyang circumstances.. Hindi lahat nang tao ay pare-parehas nang pinagdadaanan.. Nagkataon lang na ang daan na pinili ko ay what is good for me and for my business... Sabi ko sa sarili ko na ayaw ko pang mahirapan kasi hindi pa naman nalalapit ang graduation march ko eh... Thus, nagaaral ako pero hindi seryoso... MGA GANONG ARGUMENT BA...

Ang masasabi ko lang sa mga taong nagsasabi sa akin nang "SAYANG"... SAYANG NGA... ganon talaga eh... sayang naman talaga.. Parang sinasabi nila na edi sana kung ayaw mong magseryoso at mahirapan, edi hindi mo muna ti-nake yung Mock Exam Review Class nang sa ganon hindi ka pa magtatake nang Mock Exam sa dulo... GUYS, OO TAMA KAYO PERO ISANG MALAKING MIDDLE FINGER SA INYONG LAHAT...

ISANG MALAKING MIDDLE FINGER SA INYONG LAHAT SA PAKIKIALAM SA AKING GAME PLAN... May kanya-kanya tayong game plan... At yung akin, ginagawa ko lang...

To be fair naman sa mga kalaban ko... Tama kayo... No doubt.. Dapat ngang wag sayangin ang mga opportunities na dumarating sa buhay kasi baka hindi na ulit dumating yan... Ganon yung point niyo nakuha ko na... Pero, buhay ko to... Alam ko ang aking sarili... Alam ko ang aking kakayahan... Kaya ko naformuate ang plano ko which is, I am going to repeat my statement, good for me and good for my business..

Kaya ang Moral Lesson nang post na ito ay... KANYA KANYANG DISKARTE LANG YAN... Sa mga magtatake nang Mock Exam, good luck.. Pero kung nagkataon na bumagsak kayo sa kabila nang efforts niyo, ok lang yan... may pagkakataon pa rin... At least ako hindi stressed!!!! HAHAHAHAHA

Yun Lang,
LigthningSnow :)

No comments:

Post a Comment