Friday, July 5, 2013

The Ultimate Gaming Experience: 2Fuse, Minion Rush at "Bastusan" sa (insert gadget here) nang iba

Dear Blog,

Welcome sa isang edition nang ating game remarks, exploitations, comments and story section nang tinatawag kong "The Ultimate Gaming Experience".. Sa mga hindi nakaka-relate sa topic na to, kindly visit the UltimateGaming Labels.. Nandun lahat nang gantong klase nang post..

So back in the ball game... Ganto ang point nang post ko ngayon... Mahilig ka bang mag-2FUSE? Mahilig ka ba sa Minion Rush? Sa Subway Surfers? Basta mga game apps sa tablets, smart phones at lahat nang devices na de-touch.. AKO: OO!!!

OO!!! OO!! Nakakaadik mag-laro nang gantong klaseng games.. Aside from basic yung rules, may sense of awesomeness din yung mga graphics at mechanics nang games.. Example, 2FUSE... Sa 2FUSE, pabilisan nang pagpindot/ memory game ang style... Nakakaenjoy siyang laruin... Pwede ka pang magcompete globally or via friends kasi pede siya maconnect online... Ganon din sa Minion RUSH (maraming bonus minions) At subwar surfers (Beat your friends)

So basically, lahat nang game apps ay may feature kung saan pede kang magcompete with your friends.. At maliban pa dun, pwede ka rin magkipag-compete sa sarili mo kasi pede mong lagpasan ang score mo habang napapasarap ang laro mo.. It's a great experience and achievement indeed pag nabeat mo ang sarili mong record diba?

Pano kung hindi? Pano kung hindi mo kaya i-beat ang record na nasa device mo? Pano kung may naglagay nang record sa device mo? Pano kung yung nilagay na record sa device mo ay sobrang imba na hindi mo na kayang mareach? Doon nagsisimula ang point nang post ko...

Bastusan yon brad... Maglalagay ka nang record sa device nang iba... Para alam mo na, record breaking/pagmamayabang effect... Bastusan yon brad... Pano kung yung mga player ay weakling pa, tapos bibigyan mo nang masyadong mabigat na standards... GG.. Minsan, nakakatamad maglaro..

Naganon na ako eh... Example, 2FUSE... Ang highest score na nakarecord ay mataas, pero hindi ako gumawa nun... Pero ang maganda dun.. Nasa top 5 ako nang aking friend list... Siguro yung ang bright side nang "Bastusan" na binabanggit ko kanina... HAHAHA

Tandaan.. Ang mga bagay ay may iba't-ibang advantages and disadvantages... Maaring nakakainis at hindi mareach ang score na binigay nang kakilala mo sa inyong (insert device here).. Pero ang maganda dun, pag naka-connect ka online, which others don't give a damn, ang score na yun ang naka-record... Swertihan na lang pag mataas...

So, Bastusan na... Maglagay nang iyong record sa device nang iba... Ako ay guillty rin sa kasong to... Just sharing my thoughts..

HAHAHA!!!

Yun lang,
LightningSnow :)

No comments:

Post a Comment