Monday, July 1, 2013

Dear Blog: Ok... Uwian na

Dear Blog,

Hindi makukumpleto ang mundo kapag walang mga comedian type of humans.. Yung mga nagpapatawa.. Nature yun nang mundo.. Dapat may isang tao na magpapatawa sa kapwa niya.. Walang kwenta ang mundo kapag walang nakatawa.. Hindi ba?

That means na ang buhay nang taong komedyante ay masaya.. Kasi nga siya yung source nun.. Pero meron ding instances na ang taong nagbibigay nang saya ay  ang nakakaranas nang sobrang sakit... Yung pede mong ipalabas sa MMK ang kwento nang kanyang buhay.. Bakit? Kapag ikaw ang nagiging class clown, may tendency na mawalan nang respeto sayo ang iba.. That will have an effect on your self-esteem... Akin akin lang to pero naalala ko ang sabi sa kin nang isa kong kakilala.. Ang tanong niya sa kin, madalas ba daw ako i-bully.. Ang sabi ko, "ahm parang bullying pero yun yung way ka na napapatawa ko ang iba".. So to make the story short, ako ang tao na nagbibigay nang saya dahil parang nabubully nang iba..

HAHAHA... At may sinabi sya sa akin na nagbigay sa akin nang konting shock value.. Hindi ko na itutuloy kasi nakalimutan ko na at nahihilo na ako nang konti..

Basta, ganto... Minsan ang mga komedyante ang mga nakakaranas nang mga mas masasakit na experience sa buhay.. Yun lang ang point nang post na to at hindi ko sinasabing in general tong opinion ko.. At ang mas masakit pa nun, nasasaktan ka na nga kala nang mga kasama mo joke time pa rin yun... HAHAHA.. Wala lang, sinasabi ko lang.. Pero sa mga naririnig kong kwento, may mga ganong instances eh..

Ang buhay ay parang gulong nang chuvereklever, minsan na sa taas ka.. Minsan nasa baba ka... At walang connect ang part na to dito sa post na to..

HAHAHA!!

Bakit uwian na? Kasi.. Hindi kasi ako nakauwi sa reality eh... May exams pa pala ako..

Uwian na gagi!!

Yun lang,
LightningSnow :)

No comments:

Post a Comment