Monday, May 27, 2013

Dear Blog: The Anti-Talented

Dear Blog,

Wala akong sapi ngayon.. Pero isang excerpt mula sa anime episode ang naka-struck sa kin.. Yung tipong nakaka-relate talaga ako dun sa scenario.. Parang custom made siya para ipanood sa kin.. Sobrang agree ako dun sa main point nang eksenang yun..

Ano ba yun?
Ang pinag-usapan nang mga characters sa eksenang yun ay masusummarize sa ganito; Bakit may mga taong super-talented? Bakit daw ganon ang mundo? Kahit anong gawin mong hardwork walang payoff kasi at the end, ang mga taong may talent ang mas napapansin.. Lahat nang effort mo ay macrucrush sa huli..

Well hindi ako nagsabi niyan ah, pero yan yung pagkakaintindi ko.. Now, parang gusto kong gumawa nang isang deep analyzation/reflection dito sa nakita ko at napanuod ko..

First.. Ou nga naman.. May mga taong super-talented sa kanila-kanilang fields na maiituturing silang hyper - genius, untouchable, the master of this and that.. In short, IMBA.. diba? Minsan nakaka-inis sila... Bakit? Baka siguro ikonokumpara mo ang sarili mo sa kanila.. Baka naman masyado ka ring maka-assume na kasing-level mo sila.. Kaya pag may nagagawa silang hyper-awesome pero hindi mo nagawa, sobrang depressed ka.. Wag kang mag-alala bro, hindi lang siguro ikaw ang nakaranas nang ganon.. Siguro, lahat nang tao ay may tendency na ganon ang isipin.. Yung iniisip niya one of the best siya despite the fact na may mas magaling sa kanya.. Ganon talaga eh.. May taong mas magaling sa'yo, natural yun eh.. Ang point dito, tanggap tanggap din pag may time.. Hindi ko sinasabi na hindi masamang mag-bitter, ang point lang, hindi mo kailangang i-stress ang sarili mo sa mga ganong bagay..

OO, AAMININ KO... SINISIRA NILA ANG PINAGHIRAPAN KO SA BUHAY..
Point number two, katulad nang nakasulat sa ALL CAPS, ang hardwork ay hindi sapat all the time.. Ou may mga taong nasa hardwork nakadepende, pero sometimes you can't escape the fact na hindi talaga sapat yun.. Talagang papasok ang talent.. Though lahat tayo may kanya-kanyang talent pero talagang nakaka-bitter pa rin.. Yung feeling na ikaw pagod na pagod ka dahil sa paggawa nang isang bagay (HARDWORK) samantalang yung iba effortless lang, may nagawa na (TALENT).. Haayyy.. Ganong ang ibig kong sabihin ah... Ang sarap talagang maghanap nang garapon or beer bottle sabay hampas sa ulo mo... Sinira nila ang mga pinanghahawakan mo sa buhay (Madrama mode)

Third point... Bakit minsan mabuting magbitter muna kapag nakakaranas nang ganitong situation? Bakit magandang isumpa muna ang mga genius, lazy genius, mga mukang tambay pero IMBA pala, yung mga wala sa itsurang awesome pala? Para sa kin, ang reason behind that is that you want to have a sense of relief.. Sense of pain reliever.. Parang ganon.. Syempre, wala nang magagawa eh, nandyan na yan eh.. Naiwan na nila ang marka nila... Nganga ka na lang.. Kain-bubog... Tapon-basura... Kaya ang tanging paraan muna na magagawa mo ay ang pag-bibitter..

So anong moral lesson nang post na to.. ? Para sa kin, para maiwasan ang pagbibitter mo laban sa mga super-talendted, ang dapat mong gawin ay maging open-minded... Maging open sa yong mga surroundings... Wag mong isipin na ikaw ang center nang mundo... Na sa'yo lang iikot... Talagang may mga bagay na mas awesome sayo, mas matalino sayo, mas talented sayo, mas pogi sayo.. Parang ganon.. In short, wag kang mag-underestimate.. Wag kang magjujudge base on appearance lang.. Lahat nang tao ay may karapatang maging IMBA, kahit ano pa sila, kahit anong istura nila, kahit anong status nila sa buhay.. Kaya ang dapat mong gawin, wag kang mangmamaliit para kapag ikaw ang namaliit, hindi masakit.. Parang ganong logic...

Ganito ako dati eh... Tapos sabi nang kakilala ko.. There's more to it... Wag mong istress ang sarili mo.. Wag mong sabihin life is unfair porket hindi nagawa ang mga bagay na nagagawa nang iba, lalong lalo na ang mga nagagawa nang mga IMBA... In short, kailangan may acceptance din...

ACCEPT ACCEPT DIN PAG MAY TIME... At kung ganon ka, hindi ka ma-isistress... Normal lang ang buhay...

Uhmmm.... Isang refelction lang yun.. Just sharing may thoughts...

Yun lang,
LightningSnow :)

No comments:

Post a Comment