Tuesday, November 17, 2015

Dear Blog: Ganon talaga buhay..

Dear Blog,

Bakit ganon ang buhay?

Magiging straight to the point na tayo... Bakit kaya ganon no? Minsan talaga magsisimula ka pa lang, OLATS na... Yung tipong bubunot ka pa lang nang baril, nabaril ka na nang kalaban mo... Yung tipong, question number 1 ka pa lang, pang number 5 na yung katabi mo... ETC.... ETC... ETC...

Parang pag-ibig din yan... Hindi ka pa nga nagsisimula, talo ka na agad... Ganon talaga eh... Maraming pedeng maging dahilan... Pedeng mag sabit pala yung trips mo kaya, OLATS na... Maari din naman na may nakaunang pumorma na sa trips mo, kaya OLATS na... Maaring dadamoobs ka pa lang pero, kaibigan na agad turing sayo, kaya OLATS na...

OO hugot yun... Pero katulad nga nang sabi nang boss ko: "YAN ANG TOTOO!"

Pinaglalaruan talaga rin tayo nang mundo eh... Maari ako ngayon, bukas ikaw naman... Ang mundo magaling yan sa mga match-up match-up na wala namang katuturan... Kala mo may panghihinatnan, yun pala wala rin... That's Bullsh*t men... Isang napakalaking Bullsh*t...

Ang maganda naman dun sa simula pa lang OLATS na, at least hindi ka na mag-iinvest masyado sa kung ano man o sino man ang pino-pursue mo... Kasi mas mahirap nga naman, kung emotionally invested ka na sa isang bagay tapos wala rin naman mangyayari... In theory, masakit nga yun... In practical, TANG*NA MASAKIT TALAGA YUN..

So ang main point nang post na ito ay ganto... Minsan talaga, OLATS SA SIMULA pero maganda na siguro na ganon para hindi pa lumalim ang gulo o lumalim ang anuman na dapat lumalim... HAHAHAHAHA

Kaya mas maganda siguro na maging single pa rin... Mamili nang husto, kung saan sana hindi ka OLATS... Makakahanap rin tayo nyan men... Chill lang... Ang sabihin mo na lang sa sarili mo, OLATS EH BAKIT PA MAGIINVEST.... Kasi nga naman kung alam mo na OLATS TAPOS TULOY PA RIN, tanga ka dahil nagiinvest ka... DAMN!!

Yun Lang,
LightningSnow :)

P.S.
Matagal na rin pala hindi nagagalaw ang site na ito... Galaw galawin natin para hindi ma-stroke...

Thursday, May 14, 2015

Dear Blog: BUM LIFE... IS THIS THUGANOMICS? BUM LIFE

Dear Blog,

It is finished...

All the hardwork, all the sacrifices, all the bullsh*tters, all the f*ckers..

Tapos na din.... Sa wakas...

All bad things must INDEED come to an end..

I finally finished the ultimate challenge... getting that license (I won't tell you what license).. But the point is, Ok na... Wala na akong ibang iisipin na iba... Naalala ko yung panahon na laylo ako sa pagnenet, pag-gala, pag-tambay, pag-chill... Lahat nang pasarap.. Lahat nang yun, stop muna para dito... And now, LET'S CONTINUE THIS SH*T SHALL WE? HAHAHAHAHA

Ok, isa sa mga challenges na kakaharapin nang taong natapos na ang lahat is yung paghihintay sa susunod mong gagawin...Syempre, not right off the bat, may gagawin ka na... Unless ikaw yung tipo nang tao na mahilig magplan ahead... May mga kilala akong ganon eh,,, yung tipong work agad... Well, hindi ako tipo nang taong work agad... Syempre, PAHINGA KA MUNA!!! AM I RIGHT?!!

YOU NEED TO REST, YOU DESERVED IT...

Ginawa ko tong linyang ito, kasi ito talaga ang summary para sa lahat nang pinagagawa ko no? I want to give justice ang pagpapahinga... O ang tinatawag nating BUM LIFE... Syempre, pag Bum Life, wala kang gagawing iba kundi magpakatambay... gumawa nang kung ano-ano... gumawa nang wala.. Lahat na nang gusto mong gawin, gawin mo na... Kasi naniniwala ako na ito na ang last chance mo na maging feeling estudyante.. na maging feeling palamunin sa bahay niyo, na feeling boarder sa bahay niyo... na feeling, bossing sa bahay mo... Kasi pag-nag-step up ka na sa real world, which the working world.. Everything will change... at least on my perception... Dyan na papasok na, kailangan mong magwork, for the family, for the extended family (if necessary), for the GFs (if necessary), for the future family (if necessary hahahaha). for your goals, for your wants... Ang daming pede maging drive... at syempre, hindi lahat nang to, makukuha nang libre... Sa kaso namin na nasa middle-class family, hindi lahat nakukuha.. Kaya kailangan magpakahirap para makuha..

Well, ibang kaso ang "Magtrabaho ka para makuha mo ang gusto mo" ang point nang post na ito ay.. para sa akin, dapat akong magpahinga... Dapat akong magBUM LIFE... This is my last chance!! MABUHAY ANG MABUHAY NANG TAMBAY!! Pababayaan ko yung mga seryoso agad sa buhay nila... Well, darating din naman ako dun... Pero BUM LIFE muna!!! I DESERVED THIS!!! Matagal akong naghirap, I need to recharge my drive, physically, mentally, spiritually... This is a way to recharge!!! Kaya I will give justice to this... Total alam ko rin naman na I need to step up to that "world".. madedelay nga lang, at least foe one or two months...

Kaya sa mga katulad ko na, PAHINGA MUNA!!! MABUHAY TAYO!!! HAHAHAHAHAHA

MABUHAY AND MABUHAY NANG BUM LIFE...

Well opinion ko lang to...

Pero ang bottom line, congrats sa lahat nang katulad ko... Natapos na rin ang paghihirap natin no? Ano pahinga muna? HAHAHAHAHA

Yun Lang,
LightningSnow :)

Saturday, January 17, 2015

Dear Blog: FINAAAALLLLYYYYY!!! THE EEEENNNNDDDD ISSSS NEEAARRR!!!!

Dear Blog,

As an attempt para magkaroon nang something new sa may sense na blogsite na to.. Naisip kong gumawa nang entry about sa kakatapos lang pahirap/Pain in the A**/Roadblock/B*llsh*tters/at kung ano pang pedeng itawag na happening sa aking buhay...

Sa wakas... the end is near. Natapos na rin ang huling pahirap para sa inaasahang pagtatapos nang aking buhay sa aking school... Natapos ko na rin ang napakahirap na Mock Board Exam (kung nagegets niyo, edi gets niyo)

Wala lang... natapos ko na siya pero hin di yun yung main point nang post na to..

It's good to think that you don't have to think (for the meantime)... It's good to think that you don't have to worry about some school related activites anymore (for the meantime) And lastly, It's good to think that you don't have any subjects anymore (That's legit!!)

Ito ang mga ideas na nasa isip ko ngayon.. syempre masaya nga nama na isipin na Grad-waiting ka na... Kaya ngayon tengga muna... panet-net na lang muna... parelax-relax lang muna... Ang saya... pero syempre nakakapagreflect rin ako sa mga bagay na napagdaan ko for the last 5 years...

Tandaan niyo guys,,, maraming bagay rin akong napagdaanan.. Kaya nga nabuo tong blogsite na to eh,, kasi dati medyo bitter ako sa mga maraming bagay.. Bakit hindi ganto? Bakit hindi ganyan? Mga ganon tanong ba... Kadalasan nang mga post dati puro kabitteran... Bakit hindi ako sikat? Bakit ako introverted? Bakit wala akong GF? Doon lagi umiikot ang mga post dito.. SYEMPRE NAMAN... PANG-LABAS NANG SAMA NA LOOB ANG PRIMARY FUNCTION NITO NO?!!!! HAHAHAHAHA

Pero ngayon, natanggal ang lahat nang yun... Napakakontento ko ngayon sa akin buhay.. Na-achieve ko ang dream school life ko... Kahit sabihin natin na wala man lang akong magandang romance life sa buhay ko ngayon, masasabi ko na OK lang yun kesa sa umalis akong relatively unknown sa school diba... Mas masakit yun? DIba? 

Well, sa pagrereflect ko... bababa talaga ang lahat sa tamang diskarte at lakas nang loob... Labas-labas lang din nang comfort zone... Learn to take the risk... Tandaan natin, ang buhay ay isang napakalaking MONEY IN THE BANK LADDER MATCH na kung saan HIGH RISKS, HIGH REWARDS... Learn to take the risk... Kung may gusto kang itry, dapat mag effort ka rin para makamit mo yun... 

MADALING SABIHIN NO? PERO MAHIRAP GAWIN!!!

OO TAMA YUN... PERO WALA EH, YUN ANG BOTTOMLINE NUN!!!

HAHAHAHA

Kaya ano bang mga pede kong ilagay bilang golden lessons na pedeng kapulutan... Isa-isahin natin..
1) Lahat talaga ay nadadaan sa kapal nang mukha - Kung gusto mo nang lucky break, magmakapal talaga nang mukha.. Kasi kung hindi makapal ang mukha mo, shy ka... At kapag shy ka, hindi ka confident na gawin ang trip mong gawin.. Kakainin ka nang presensya nang ibang tao.. Pero syempre, may limits din ang pagkakapal nang mukha... Ikaw na bahala dun sa limits na yun...

2) Maging mabait at magkaroon nang maraming kaibigan - Simple lang naman ang solusyon sa magandang buhay... Maging mabait ka lang... Para ang ibang tao... mabait din sayo... Kapag maraming tao ang mabait sa yo, nako maraming benefits yan pre!!!

3) Gusto mong sumikat? Sali ka sa isang group/organization - Aaminin ko, ito ang nagsalba sa kin... Kapag na-involve ka sa ganto, MAGIC WILL HAPPEN!!!

4) Necessary Evils  - Kailangan talaga nito


So far... yun pa lang naman eh... Sana kapulutan niyo...

HAVE FUN!!! BASTA AKO HAVIN FUN NA!!! HAHAHA

Yun Lang,
LightningSnow :))