Dear Blog,
Bakit ganon ang buhay?
Magiging straight to the point na tayo... Bakit kaya ganon no? Minsan talaga magsisimula ka pa lang, OLATS na... Yung tipong bubunot ka pa lang nang baril, nabaril ka na nang kalaban mo... Yung tipong, question number 1 ka pa lang, pang number 5 na yung katabi mo... ETC.... ETC... ETC...
Parang pag-ibig din yan... Hindi ka pa nga nagsisimula, talo ka na agad... Ganon talaga eh... Maraming pedeng maging dahilan... Pedeng mag sabit pala yung trips mo kaya, OLATS na... Maari din naman na may nakaunang pumorma na sa trips mo, kaya OLATS na... Maaring dadamoobs ka pa lang pero, kaibigan na agad turing sayo, kaya OLATS na...
OO hugot yun... Pero katulad nga nang sabi nang boss ko: "YAN ANG TOTOO!"
Pinaglalaruan talaga rin tayo nang mundo eh... Maari ako ngayon, bukas ikaw naman... Ang mundo magaling yan sa mga match-up match-up na wala namang katuturan... Kala mo may panghihinatnan, yun pala wala rin... That's Bullsh*t men... Isang napakalaking Bullsh*t...
Ang maganda naman dun sa simula pa lang OLATS na, at least hindi ka na mag-iinvest masyado sa kung ano man o sino man ang pino-pursue mo... Kasi mas mahirap nga naman, kung emotionally invested ka na sa isang bagay tapos wala rin naman mangyayari... In theory, masakit nga yun... In practical, TANG*NA MASAKIT TALAGA YUN..
So ang main point nang post na ito ay ganto... Minsan talaga, OLATS SA SIMULA pero maganda na siguro na ganon para hindi pa lumalim ang gulo o lumalim ang anuman na dapat lumalim... HAHAHAHAHA
Kaya mas maganda siguro na maging single pa rin... Mamili nang husto, kung saan sana hindi ka OLATS... Makakahanap rin tayo nyan men... Chill lang... Ang sabihin mo na lang sa sarili mo, OLATS EH BAKIT PA MAGIINVEST.... Kasi nga naman kung alam mo na OLATS TAPOS TULOY PA RIN, tanga ka dahil nagiinvest ka... DAMN!!
Yun Lang,
LightningSnow :)
P.S.
Matagal na rin pala hindi nagagalaw ang site na ito... Galaw galawin natin para hindi ma-stroke...