Saturday, January 17, 2015

Dear Blog: FINAAAALLLLYYYYY!!! THE EEEENNNNDDDD ISSSS NEEAARRR!!!!

Dear Blog,

As an attempt para magkaroon nang something new sa may sense na blogsite na to.. Naisip kong gumawa nang entry about sa kakatapos lang pahirap/Pain in the A**/Roadblock/B*llsh*tters/at kung ano pang pedeng itawag na happening sa aking buhay...

Sa wakas... the end is near. Natapos na rin ang huling pahirap para sa inaasahang pagtatapos nang aking buhay sa aking school... Natapos ko na rin ang napakahirap na Mock Board Exam (kung nagegets niyo, edi gets niyo)

Wala lang... natapos ko na siya pero hin di yun yung main point nang post na to..

It's good to think that you don't have to think (for the meantime)... It's good to think that you don't have to worry about some school related activites anymore (for the meantime) And lastly, It's good to think that you don't have any subjects anymore (That's legit!!)

Ito ang mga ideas na nasa isip ko ngayon.. syempre masaya nga nama na isipin na Grad-waiting ka na... Kaya ngayon tengga muna... panet-net na lang muna... parelax-relax lang muna... Ang saya... pero syempre nakakapagreflect rin ako sa mga bagay na napagdaan ko for the last 5 years...

Tandaan niyo guys,,, maraming bagay rin akong napagdaanan.. Kaya nga nabuo tong blogsite na to eh,, kasi dati medyo bitter ako sa mga maraming bagay.. Bakit hindi ganto? Bakit hindi ganyan? Mga ganon tanong ba... Kadalasan nang mga post dati puro kabitteran... Bakit hindi ako sikat? Bakit ako introverted? Bakit wala akong GF? Doon lagi umiikot ang mga post dito.. SYEMPRE NAMAN... PANG-LABAS NANG SAMA NA LOOB ANG PRIMARY FUNCTION NITO NO?!!!! HAHAHAHAHA

Pero ngayon, natanggal ang lahat nang yun... Napakakontento ko ngayon sa akin buhay.. Na-achieve ko ang dream school life ko... Kahit sabihin natin na wala man lang akong magandang romance life sa buhay ko ngayon, masasabi ko na OK lang yun kesa sa umalis akong relatively unknown sa school diba... Mas masakit yun? DIba? 

Well, sa pagrereflect ko... bababa talaga ang lahat sa tamang diskarte at lakas nang loob... Labas-labas lang din nang comfort zone... Learn to take the risk... Tandaan natin, ang buhay ay isang napakalaking MONEY IN THE BANK LADDER MATCH na kung saan HIGH RISKS, HIGH REWARDS... Learn to take the risk... Kung may gusto kang itry, dapat mag effort ka rin para makamit mo yun... 

MADALING SABIHIN NO? PERO MAHIRAP GAWIN!!!

OO TAMA YUN... PERO WALA EH, YUN ANG BOTTOMLINE NUN!!!

HAHAHAHA

Kaya ano bang mga pede kong ilagay bilang golden lessons na pedeng kapulutan... Isa-isahin natin..
1) Lahat talaga ay nadadaan sa kapal nang mukha - Kung gusto mo nang lucky break, magmakapal talaga nang mukha.. Kasi kung hindi makapal ang mukha mo, shy ka... At kapag shy ka, hindi ka confident na gawin ang trip mong gawin.. Kakainin ka nang presensya nang ibang tao.. Pero syempre, may limits din ang pagkakapal nang mukha... Ikaw na bahala dun sa limits na yun...

2) Maging mabait at magkaroon nang maraming kaibigan - Simple lang naman ang solusyon sa magandang buhay... Maging mabait ka lang... Para ang ibang tao... mabait din sayo... Kapag maraming tao ang mabait sa yo, nako maraming benefits yan pre!!!

3) Gusto mong sumikat? Sali ka sa isang group/organization - Aaminin ko, ito ang nagsalba sa kin... Kapag na-involve ka sa ganto, MAGIC WILL HAPPEN!!!

4) Necessary Evils  - Kailangan talaga nito


So far... yun pa lang naman eh... Sana kapulutan niyo...

HAVE FUN!!! BASTA AKO HAVIN FUN NA!!! HAHAHA

Yun Lang,
LightningSnow :))