Dear Blog,
Habang nag-FFB surfing, may nakita akong post na nagsasabing ganto..
"TAG SOMEONE THAT YOU WERE CLOSE WITH BEFORE"
Ganon... And parang may naalala akong tao na sakto sa description na ito... Though syempre hindi ko siya ti-nag pero habang nakita ko ang post na to, sinapian ako nang sudden loneliness.. Kasi naalala ko na close kami dati, pero ngayon hindi na... Hindi naman kami magkagalit or what.. basta bumaba lang yung level of friendship.. Babae yung kaklase ko na yun.. At syempre rare ang magkaroon nang babaeng ka-close..
Yung Kaklase ko kasing yun, close ko talaga dati.. Syempre ang pinaka-best way para maging ka-close mo yung isang tao is yung lagi mo siyang kasama.. Eh, nagkataon na kasama ko siya sa dalawang terms sa pinapasakan king school.. Tapos, dahil ang sistema sa school namin ay hindi uso yung permanent friendship ang allegiances, dumating ang point na hindi na kaming magkaklase.. And then, it happened..
Syempre, ang tendency noon ay moving on... Nakahanap siya nang friendship circle, meron din akong nahanap din.. Pero nagkakakita naman kami sa hallways, sa club activity, sa extra curricular activities or what.. Hindi naman talagang hindi nagkakitaan.. Tapos dumating ang point na maging magkaklase ulit kami sa isang subject na kailangan tapusin in three terms.. naging magka-group kami, which means for the next three terms, magkasama kami... Noong nagkaroon na nang group meetings and sessions.. parang nawala yung friendship level noong magkasama kami.. Syempre, understandable naman yun.. At syempre understandable din na mas close siya sa mga naging kasama niya for the past terms..
Pero ang masaklap dun is yung, may isa akong katropa na naging ka-close niya sa ngayon... Yung tipong parang "may patutunguhan na close", though hindi ko na problema yun.. Pag magkasama sila, para silang may sariling mundo.. Hindi ko naman talaga proproblemahin yun kasi buhay nila yun pero ang akin lang, pagka magkasama kami sa mga groups namin nag-deteriorate talaga.. Parang laging professional yung feels. Syempre from my point of view lang yun.. Ang point ko lang is nakakatampo lang nang konti.. Kahit konti man yung level na yun, nakakatampo pa rin..
Kahit sabihin natin na nagmumuka akong tanga dahil ganon yung line of thought ko.. Wala lang, just saying lang naman..
Pero, kung iisipin mo no, parang ang liit lang nang problema pero ang laki nang impact... Close kayo dati tapos makikita mo na grabe silang kaclose nang iba, tapos pagdating ulit sayo parang casual na lang... That's BURNING BRIDGES... tama ba?
Hanggang dito na lang, para kasi talagang tanga din pagka-eexpand ko yung argument na ito..
Yun Lang,
LightningSnow :)