Tuesday, August 6, 2013

Dear Blog: Hate Tuesday ( Aug. 6, 2013)

Dear Blog,

Unang una sa lahat, ang ganda nang araw nang pasok nang araw na to sa akin.. Gising pa ako nang 3 AM para gumawa nang mga bagay na kailangang gawin.. Langya yang mga "bagay" na yan... Matrabaho na nga, sakit pa sa ulo.... Ito rin yung mga tipo nang bagay na kumakain sa iyong oras.. In short, dahil sa mga lab reports na yan, wala nang time mag-aral... Ganon ang iniisip ko nang 3 AM bago tuluyang matulog at gigising nang 5:30 AM.. Ou nga pala, nakakahiya sa mga taong walang tulog, pero hindi ko style ang hindi matulog nang magdamag.. Sabi nga nila eh.. "Sleep is for the weak".. Well, I don'y give a sh*t about that f*ck*ng logic... Mga totoong tao tayo, at nature sa tao ang matulog... Just giving my thoughts..

The next chapter of Tuesday, implementation na pala nang bagong terminal sa alam niyo nang lugar... Dahil sa mga implementation na yan... walang masakyang bus... Medyo late ako, kaya tanggap kong kailangan kong maglakad... Pero yung paglalakad ko, inaabot nang almost 1 km.. Bakit? Lahat nang mga dumadaang bus, punoan na.. Kailangan mong maglakad palayo to make sure na makakasakay ka.. Pero kahit anong lakad ko nang malayo, wala pa rin... Napasabi na lang ako ng "GRRRRRR!!!" habang naglalakad.. Hindi lang yun... mabigat na nga ang dala ko, umaambon pa... Tapos may possibility na mag exam sa 7:30 class at 7:30 hindi pa rin ako nakakasakay.. HAAYY BUHAY!!! WHAT A PERFECT COMBINATION!!!

Pero thank god, kasi nakarating ako nang school nang almost 9.. Pagkarating ko nang school, simula na nang 9 hours nang super umay na subject... Yung tipong isang prof lang ang kaharap mo from 7:30 AM to 4:30 PM... Sino ba namang matinong tao ang magkakagusto sa ganong set-up? HAHA.. Super UMAY!!! Natuloy yung exam, pero buti na lang late... Kaya nakapag-exam pa rin..

The next chapter, another quiz sa isang subject nang 6:00 PM... Aminado akong hindi nakapag-aral at kulang kulang ang mga aral ko.. The result... 1 hour na nakatulala sa papel... Wala akong masagot.. Na-mental block pa.. Tinry kong sumilip sa katabi ko, pero ang layo nang papel sabay nagroronda yung prof... Napasabi na lang ako nang "PATAY"... Tanggap ko nang GG yung exam na yon... First time kong tumunganga sa papel for the whole time since nagkaroon ako nang 6/100 sa isang subject an ganon din yung nangyari..

The final chapter, quiz ulit!! Dumarating na sa isip ko ang salitang "PAGOD" kasi ganon naman talaga... May konti akong alam.. Pero tuloy pa rin... Nakasagot ako, pero konti lang... Eh, wala kasing nakalagay sa storage eh...

Ano bang point nang post na to? Ganto yan
-Walang magagawang matino pag ang lab reports mo ay almost 20 pages
-Walang magandang maitutulong ang late na gising..
-Walang magandang maitutulong nang early classes..
-Walang magandang effect ang combination nang walang sasakyan, umuulan, mabigat ang dala
-Katanggap tanggap ang bumagsak pero alam mong kulang ka sa aral.. Kesa sa bumagsak dahil sa carelessness. Ito talaga ang isa sa mga ultimate realizations ko ngayong araw..
-Pangit ang magcram...
-Balance everything..
-Hindi masamang mag-rant sa mga fb post, blog post... Kasi isang paraan para mawala nang stess ay ang paglalabas nito.. Kaya pwedeng maglabas nang sama nang loob..
-I completely justified myself na hindi nakapagaral.. Kaya medyo gumaan na ang pakiramdam ko..

Ay oo nga pala, naniniwala rin ako na isa tong trial na kailangan harapin.. Lahat tayo may trial na pinagdadaanan, nagkataon nga lang na masyadong stressful at masakit sa loob ang trial na iba... Malamang meron pang mas malala ang kaso kesa sa kin na pedeng magsabi, wala kwenta naman ang rant mo dahil mas malala ako diyan.. Pero, ang akin lang... Blog ko to no!! HAHAHA

#HATETUESDAY

Yun lang,
LightningSnow :)