Showing posts with label School Life. Show all posts
Showing posts with label School Life. Show all posts

Saturday, January 17, 2015

Dear Blog: FINAAAALLLLYYYYY!!! THE EEEENNNNDDDD ISSSS NEEAARRR!!!!

Dear Blog,

As an attempt para magkaroon nang something new sa may sense na blogsite na to.. Naisip kong gumawa nang entry about sa kakatapos lang pahirap/Pain in the A**/Roadblock/B*llsh*tters/at kung ano pang pedeng itawag na happening sa aking buhay...

Sa wakas... the end is near. Natapos na rin ang huling pahirap para sa inaasahang pagtatapos nang aking buhay sa aking school... Natapos ko na rin ang napakahirap na Mock Board Exam (kung nagegets niyo, edi gets niyo)

Wala lang... natapos ko na siya pero hin di yun yung main point nang post na to..

It's good to think that you don't have to think (for the meantime)... It's good to think that you don't have to worry about some school related activites anymore (for the meantime) And lastly, It's good to think that you don't have any subjects anymore (That's legit!!)

Ito ang mga ideas na nasa isip ko ngayon.. syempre masaya nga nama na isipin na Grad-waiting ka na... Kaya ngayon tengga muna... panet-net na lang muna... parelax-relax lang muna... Ang saya... pero syempre nakakapagreflect rin ako sa mga bagay na napagdaan ko for the last 5 years...

Tandaan niyo guys,,, maraming bagay rin akong napagdaanan.. Kaya nga nabuo tong blogsite na to eh,, kasi dati medyo bitter ako sa mga maraming bagay.. Bakit hindi ganto? Bakit hindi ganyan? Mga ganon tanong ba... Kadalasan nang mga post dati puro kabitteran... Bakit hindi ako sikat? Bakit ako introverted? Bakit wala akong GF? Doon lagi umiikot ang mga post dito.. SYEMPRE NAMAN... PANG-LABAS NANG SAMA NA LOOB ANG PRIMARY FUNCTION NITO NO?!!!! HAHAHAHAHA

Pero ngayon, natanggal ang lahat nang yun... Napakakontento ko ngayon sa akin buhay.. Na-achieve ko ang dream school life ko... Kahit sabihin natin na wala man lang akong magandang romance life sa buhay ko ngayon, masasabi ko na OK lang yun kesa sa umalis akong relatively unknown sa school diba... Mas masakit yun? DIba? 

Well, sa pagrereflect ko... bababa talaga ang lahat sa tamang diskarte at lakas nang loob... Labas-labas lang din nang comfort zone... Learn to take the risk... Tandaan natin, ang buhay ay isang napakalaking MONEY IN THE BANK LADDER MATCH na kung saan HIGH RISKS, HIGH REWARDS... Learn to take the risk... Kung may gusto kang itry, dapat mag effort ka rin para makamit mo yun... 

MADALING SABIHIN NO? PERO MAHIRAP GAWIN!!!

OO TAMA YUN... PERO WALA EH, YUN ANG BOTTOMLINE NUN!!!

HAHAHAHA

Kaya ano bang mga pede kong ilagay bilang golden lessons na pedeng kapulutan... Isa-isahin natin..
1) Lahat talaga ay nadadaan sa kapal nang mukha - Kung gusto mo nang lucky break, magmakapal talaga nang mukha.. Kasi kung hindi makapal ang mukha mo, shy ka... At kapag shy ka, hindi ka confident na gawin ang trip mong gawin.. Kakainin ka nang presensya nang ibang tao.. Pero syempre, may limits din ang pagkakapal nang mukha... Ikaw na bahala dun sa limits na yun...

2) Maging mabait at magkaroon nang maraming kaibigan - Simple lang naman ang solusyon sa magandang buhay... Maging mabait ka lang... Para ang ibang tao... mabait din sayo... Kapag maraming tao ang mabait sa yo, nako maraming benefits yan pre!!!

3) Gusto mong sumikat? Sali ka sa isang group/organization - Aaminin ko, ito ang nagsalba sa kin... Kapag na-involve ka sa ganto, MAGIC WILL HAPPEN!!!

4) Necessary Evils  - Kailangan talaga nito


So far... yun pa lang naman eh... Sana kapulutan niyo...

HAVE FUN!!! BASTA AKO HAVIN FUN NA!!! HAHAHA

Yun Lang,
LightningSnow :))

Thursday, September 25, 2014

Dear Blog: P*tangin@ naman eh!!! Anong masama sa TAKING IT FOR GRANTED!!!

Dear Blog,

Ang kwento ko ngayon ay nagrerevolve sa nalalaapit na mock exam na gagawin sa school namin.. Ang mock exam na ito ay kailangan i-take nang mga estudyante na malapit na ang graduation at hindi ka makakagraduate hanggang hindi ito napapapasa. Ang passing percentage nang exam na ito ay napakababa, kaya sure fail ang results sa mga hindi taos puso ang pagaaral.. Kaya ang tendency ay nagkakaroon sila nang mga nth take.

Ang situation ko ay ganto, malapit na akong grumaduate.. Thus, nagtatake ako nang mock exam review subject at kailangan magtake nang mock exam sa dulo nang term. Hindi ako tulad nang iba, na last term na sa aming school. Meron pa akong isang term na natitira thus, kapag napasa ko yung mock exam, hindi pa ako mamarcha agad.. Ang mga last term na sa school namin ay sure ball pressured na ipasa yung mock exam kasi nga para marcha na sa sususnod.. WALANG PROBLEMA AT GOODBYE SCHOOL NA... Dahil sa hindi pa naman ako gragraduate agad, hindi ako pressured at tinatak ko sa isip ko na itatake ko yung mock eam for the experience, para makita ko yung mga kalakaran sa exam at kung ano yung mga lalabas sa exam... Kahit saang angulo mong tingnan, TAKING FOR GRANTED tong ginagawa ko... AT AMINADO AKO DUN... Syempre, may mga dahilan ako kung bakit pero ang point ko, ang mga dahilang ko ay sapat para sabihin na hindi ko kailangan seryohin muna ang mock exam...

Pero P@tangin@, kapag nakikipagusap ako sa ibang tao.. Panay ang sabi sa akin na SAYANG... Bakit ganon daw ang pagiisip ko? Sayang ang opportunity.. Sayang ang chance.. Ang iba sabi pa ay, dapat seryosohan na para pag nakapasa, OK na... wala nang problema... Trtry kong mag-explain pero ang usapan namin ay madodominate nang "sayang" na usapan...

OO, ganon talaga... PERO P@TANGIN@ NAMAN!!! MAGKAIBA TAYO... MAY DISKARTE KA, MAY DISKARTE AKO!!! HELLO!!!

Tama ang mga argument nang mga taong ganon.. Pero ang akin lang, hindi ko naman gagawin yung "Taking for granted" kung wala akong dahilan eh... Lahat tayo sa mundo ay may kanya kanyang circumstances.. Hindi lahat nang tao ay pare-parehas nang pinagdadaanan.. Nagkataon lang na ang daan na pinili ko ay what is good for me and for my business... Sabi ko sa sarili ko na ayaw ko pang mahirapan kasi hindi pa naman nalalapit ang graduation march ko eh... Thus, nagaaral ako pero hindi seryoso... MGA GANONG ARGUMENT BA...

Ang masasabi ko lang sa mga taong nagsasabi sa akin nang "SAYANG"... SAYANG NGA... ganon talaga eh... sayang naman talaga.. Parang sinasabi nila na edi sana kung ayaw mong magseryoso at mahirapan, edi hindi mo muna ti-nake yung Mock Exam Review Class nang sa ganon hindi ka pa magtatake nang Mock Exam sa dulo... GUYS, OO TAMA KAYO PERO ISANG MALAKING MIDDLE FINGER SA INYONG LAHAT...

ISANG MALAKING MIDDLE FINGER SA INYONG LAHAT SA PAKIKIALAM SA AKING GAME PLAN... May kanya-kanya tayong game plan... At yung akin, ginagawa ko lang...

To be fair naman sa mga kalaban ko... Tama kayo... No doubt.. Dapat ngang wag sayangin ang mga opportunities na dumarating sa buhay kasi baka hindi na ulit dumating yan... Ganon yung point niyo nakuha ko na... Pero, buhay ko to... Alam ko ang aking sarili... Alam ko ang aking kakayahan... Kaya ko naformuate ang plano ko which is, I am going to repeat my statement, good for me and good for my business..

Kaya ang Moral Lesson nang post na ito ay... KANYA KANYANG DISKARTE LANG YAN... Sa mga magtatake nang Mock Exam, good luck.. Pero kung nagkataon na bumagsak kayo sa kabila nang efforts niyo, ok lang yan... may pagkakataon pa rin... At least ako hindi stressed!!!! HAHAHAHAHA

Yun Lang,
LigthningSnow :)

Thursday, August 7, 2014

Dear Blog: TAG SOMEONE THAT YOU WERE CLOSE BEFORE

Dear Blog,

Habang nag-FFB surfing, may nakita akong post na nagsasabing ganto..

"TAG SOMEONE THAT YOU WERE CLOSE WITH BEFORE"

Ganon... And parang may naalala akong tao na sakto sa description na ito... Though syempre hindi ko siya ti-nag pero habang nakita ko ang post na to, sinapian ako nang sudden loneliness.. Kasi naalala ko na close kami dati, pero ngayon hindi na... Hindi naman kami magkagalit or what.. basta bumaba lang yung level of friendship.. Babae yung kaklase ko na yun.. At syempre rare ang magkaroon nang babaeng ka-close..

Yung Kaklase ko kasing yun, close ko talaga dati.. Syempre ang pinaka-best way para maging ka-close mo yung isang tao is yung lagi mo siyang kasama.. Eh, nagkataon na kasama ko siya sa dalawang terms sa pinapasakan king school.. Tapos, dahil ang sistema sa school namin ay hindi uso yung permanent friendship ang allegiances, dumating ang point na hindi na kaming magkaklase.. And then, it happened..

Syempre, ang tendency noon ay moving on... Nakahanap siya nang friendship circle, meron din akong nahanap din.. Pero nagkakakita naman kami sa hallways, sa club activity, sa extra curricular activities or what.. Hindi naman talagang hindi nagkakitaan.. Tapos dumating ang point na maging magkaklase ulit kami sa isang subject na kailangan tapusin in three terms.. naging magka-group kami, which means for the next three terms, magkasama kami... Noong nagkaroon na nang group meetings and sessions.. parang nawala yung friendship level noong magkasama kami.. Syempre, understandable naman yun.. At syempre understandable din na mas close siya sa mga naging kasama niya for the past terms..

Pero ang masaklap dun is yung, may isa akong katropa na naging ka-close niya sa ngayon... Yung tipong parang "may patutunguhan na close", though hindi ko na problema yun.. Pag magkasama sila, para silang may sariling mundo.. Hindi ko naman talaga proproblemahin yun kasi buhay nila yun pero ang akin lang, pagka magkasama kami sa mga groups namin nag-deteriorate talaga.. Parang laging professional yung feels. Syempre from my point of view lang yun.. Ang point ko lang is nakakatampo lang nang konti.. Kahit konti man yung level na yun, nakakatampo pa rin..

Kahit sabihin natin na nagmumuka akong tanga dahil ganon yung line of thought ko.. Wala lang, just saying lang naman..

Pero, kung iisipin mo no, parang ang liit lang nang problema pero ang laki nang impact... Close kayo dati tapos makikita mo na grabe silang kaclose nang iba, tapos pagdating ulit sayo parang casual na lang... That's BURNING BRIDGES... tama ba?

Hanggang dito na lang, para kasi talagang tanga din pagka-eexpand ko yung argument na ito..

Yun Lang,
LightningSnow :)

Saturday, July 12, 2014

Dear Blog: Ito na naman tayo sa DUWAGERS mode

Dear Blog,

Nandito na naman ako sa phase na kung saan magiging duwag ka sa isang babaeng na-label mong "crush". Yung tipong hindi naman "crush" ang register niya sa utak mo tapos magiging "crush" na ngayon thus, magbabago ang algorithm nang utak mo at magsisimulang magbago ang perception mo.. Parang ROBOT lang diba?

Eh.... wala eh!! Nakakainis pero ito yung personality ko..  Ewan ko ba kung bakit... pero ganon na nga.. nagiging duwag ako sa "crush" ko.. Ilang beses ko nang pinlano na ichat siya sa FB or itxt pero sa tuwing nagkakaroon nang success ang mga mission na ito, nawawalan naman ako nang mga sasabihin.. Hindi naman talaga ako ganito pero that happens...

THAT FEELS..

Pero ang good thing lang dito, hindi siya yung katulad dati na talagang bitter na bitter ako sa sarili ko kasi wala akong magawa.. Yan ang naibibigay nang experience... HAHAHAHAHA.. Dati ang sakit sa puso, pero ok na.. THAT'S THE GOOD THING.. I'M DAMN PROUD OF IT..

Wala lang... sinasabi ko lang ang mga to para magkaroon nang bagong post sa blogsite na ito.. Matagal na rin kasi since yung last post ko eh.. siguro dahil hindi ako BITTER katulad nang dati pero hindi ibig sabihin noon na pang bitter lang ang mga post na nandito sa site na ito.. Isa lang itong return post..

Sige yun lang,
LightningSnow :)

Thursday, May 15, 2014

Dear Blog: What's wrong with being ang OTAKU

Dear Blog,

This past few days natapos ko ang anime na Outbreak Company..

From the Pilot Episode, there is this scene in which the protagonist was rejected by his childhood friend because of the fact that he is an OTAKU... After that, scene the protagonist woke up and shouted "WHAT'S WRONG WITH BEING AN OTAKU!!!!"

Tapusin natin ang English part... Balik tayo sa tanong.. "What's wrong with being ang OTAKU?" Nakarelate ako dito kasi a year ago may similar situation akong naranasan..

A year ago, in love ako sa isang kolehiyala.. (Parang kanta lang) Tapos nagkaroon ako nang instagram account.. Since kasama talaga sa rituals nang social media ang #TBT or throwbackthursday, nag-participate ako.. Out of sometimes malakas na trip na personality, nilagay ko ang picture ko nang highschool na naka-cosplay nang isang sikat na anime character.. Naka-synch ang post sa FB kaya kita nang mga friends ko, at maraming natuwa, nag-like at nagcomment.. Nakakatuwa nga naman, kasi ang pagkakakilala sa akin sa school ay hindi ganon and yet may ganon pala akong background..

Balik tayo dun sa sinasabi kong situation, yung sinasabi kong babae, talagang failure na yung conquest ko dun.. Matagal na akong naka-move on kaya no bitterness included, nagrereflect lang.. Since na fail na yung conquest ko, nagtatanong ako sa mga informant ko kung bakit nauwi sa ganon ang lahat.. At sabi nang informant ko, na-inpluwensyahan yung babae nang mga kaibigan niya na wag akong seryosohin kasi daw isa akong "weirdo".. Inuulit ko, "WEIRDO" at bakit? DAHIL DUN SA COSPLAY POST

"Otaku is a Japanese term for people with obsessive interests, commonly the anime and manga fandom."

At dahil diyan parang pede mo ring sabihin na ang weird nang cosplay na ginawa ko.. Parang ganon.. Kahit sabihin mo o sabihin nang iba na ako lang ang nagsasabi nun.. pede rin mo ring sabihin na yung sinabing kong point ay legit... Minsan kasi may negative effect ang OTAKU, depende sa mga taong nag-viview dito.. Kaya yun.. Dun papasok ang "WHAT'S WRONG WITH BEING AN OTAKU?"

Wala eh... Na-labelan nang "Weird" tapos natapos na rin ang conquest na yun, super tagal na.. Syempre, maraming factors naman kung bakit failure ang conquest pero ang kwentong to ay isa sa mga point...

So, what's the moral lesson?

1) Respect OTAKU... Respect will lead to respect in return... Do unto others what you want other do unto you.. May mga hindi pa nakaka-appreciate nito, they need to be enlightened.. hehehe

2) Be proud of being an OTAKU.. Ask Me and I will answer, I am d*mn f*cking proud

3) Kung OTAKU ka at kung gusto mo nang masayang buhay, choose ang OTAKU partner para happy ever after..

Kapag nagawa mo yun, you will no longer reflect on the question of "WHAT'S WRONG WITH BEING ANG OTAKU"


I hope it will bring some point and sense to the readers as well as me..

I repeat...  There is no bitterness here,, just a reflection of past events


Yun lang,

LightningSnow :)

Dear Blog: Lakas nang mukha at TRIP lang

Dear Blog,

Sa mga panahon ngayon, natuto na akong mag-adjust sa environment nang school na aking pinapasukan.. Natutunan ko na para mabawasan ang pagka-anonymous mo, gawa-gawa din nang mga moments na magpapa-increase nang iyong noteriety.. At isa yung sa mga pinagkakaabalahan ko..

Hindi ito criminally inclined na noteriety.. Kundi mga "not-so-good" na "not-so-bad" actions na nagpapaincrease nang noteriety... Katulad na lang nang mga pagpapicture sa mga bagay-bagay.. Minsan legendary scene, minsan legendary moment o best, legendary girl.. Parang ganon.. ang bottom line, masasabi kong may mga pagka-imbanescence ang level nang mga nagagawa kong bagay na ilalagay ko sa filter na "trip"..

One time, napapunta ako sa isang cosplay convention.. Tapos, meron dun mga cosplayers.. malamang.. At 50 percent nang mga cosplayers ay babae.. malamang... At syempre, dahil malakas ang  "trip" ko, panay ang pa-picture sa mga beautiful cosplayers.. Ganon talaga eh... Kailangan niyan sa buhay.. At dahil sa kahit anong angulo mong tingnan legal yung papicture, nilulubos-lubos namin... Ang masaya diyan, kahit hindi mga cosplayers nagpapapicture kami.. Walanghiya mga PAL!!!

In short, kapag malakas ang mukha mo, malakas rin ang trip mo.. Kapag malakas ang trip mo, maraming kang bagay na magagawa, kahit yung mga hindi mo masyadong nagagawa.. Yung mga pedeng sabhin na "out of character".. Parang ganon..

Nagbibigay lang ako nang sharing sa life lesson na natutunan ko... Important na, medyo malakas rin ang trip mo paminsan-minsan.. kasi once in your life, kailangan mo nang mga experience na hindi magpapanatili sa'yo sa "loser" level.. Kailangan rin nang mga moment of triumphs.. ECHOS!!!!

Kaya ganon na nga mga tropa... MINSAN KAPALAN ANG MUKHA PARA MAGING MALAKAS ANG LOOB... Simple as one, two, three... Ang importante dun, pagkatapos nang mga ganong pagkakataon, hayaan mo ang mga kasama mo ang mag-kwento nang moment of truimph mo.. Wag kang magbubuhat nang sariling bangko, para masarap sa pakiramdam.. Kung sobrang epic nang nagawa, be humble all the time.. Baka bawiin ang blessings.. Whehehehehe...\

Yun lang,
LightningSnow :)

Thursday, March 27, 2014

Dear Blog: Joker ka ba? Nakakatawa pa ba?

Dear Blog,

Ako lang ba nakakapansin?

Ang mga joker type nang tao ay talagang hindi sineseryoso.. Siguro dahil mataas ang level nang kanilang joking abilities, pati ang serious moments ay hindi sineseryoso.. In short, hindi siya sineseryoso..

May times na kailangang magseryoso nang isang tao para maging serious rin ang mga tao sa paligid niya.. Pero ang napapansin ko, sa mga joker type hindi laging ganon ang nangyayari.. Minsan, walang respeto.. Minsan bad trip.. Ako talaga ang tinutukoy ko sa post na to.. Nakakainis kasi minsan.. Minsan kailangan ko nang mag-seryoso, hindi naman ako sineseryoso.. Kahit mag-game face at mag-angry face pa ako.. parang joke time pa rin.. HAHAHAHA

Minsan OK lang.. Minsan hindi.. Pero nakakabastos rin talaga..

Isa pang application nang post ko ay ang situation nang isang tao sa Pag-ibig.. Sabi nila, ang mga joker type nang tao ang mga malalakas sa mga ganon kasi mag-joke ka lang, pede kang makapoints.. Syempre, hindi lahat ganon ang kaso.. May mga instances na sa sobrang lakas nang joking abilities mo, hindi ka sineseryoso nang babaeng pinili mo.. Syempre, hindi lahat ganon ang kaso..

In short, parang napansin ko lang na may instances na sobrang joke time.. ikaw ang na-go-good time.. Masakit pero ang naiisip ko lang ay nakakapagpasaya nang iba..

Related rin sa post na to ang kasabihan na ang mga komedyante ay yung mga taong pinakama-lungkot sa mundo.. Isang double-edge sword ang pagpapatawa.. Isang perspective ko lang to..

In short, may halong glorification nang aking saril ang post na to.. Aaminin ko na joker type ako, at ni minsan wala pa akong na-iiscore sa love life.. Hindi ko maintindihan kung sobrang joke time ba to o may mali rin sa personality ko.. Pero I assume the later.. Ganon talaga ang buhay.. Hindi lahat nakakatawa..

So ano ang lugar ng ayaw taniman ni Satanas?
EDI, KABUTIHAN

Ano ang pinakamahabang insekto?
EDI tipakLONG

BOOM PANES

Yun lang,
LightningSnow :)

Tuesday, December 3, 2013

Dear Blog: Pathetic Sh!t

Dear Blog,

Isang munting rant lang mula sa inying abang lingkod..

Napaisip lang ako.. Sa panahon ngayon mahirap nang makakuha nang Girlfriend na mabait..

Mas mahirap kung mabait at maganda..

Mas lalong mahirap pag mabait, maganda, matalino..

Mas super mahirap pag mabait, maganda, matalino, mayaman..

Mas super duper namang hirap kung almost perfect na ang trip mo..

DIBA? So, in short ang hirap makahanap lalo na pag mataas ang qualities na hinahanap mo.. Syempre may magsasabing wala sa itsura yan nasa katangian yan.. Syempre may magsasabi na, ang choosy mo naman..

Well, HELLO!? Ang hypocrite mo naman kung hindi ka mangangarap nang ganon no.. Ni once sa buhay mo, nangarap ka nang ganyang style nang pagibig.. Umamin ka man o hindi, ganon yun.. Hindi one sided tong opinion ko.. Well, hindi naman talaga to yung point nang post.. Unang point pa lang to..

Pangalawang Point..
May kakilala ka bang taong napasama sa isang pageant?
Kung meron, siguro relate much ka dito.. Hindi naman sa hater ako nang mga pageant boys and girls.. Pero meron lang akong isang ayaw sa mga taong naiinvolve sa pageant.. Ito yung exclusive friendship circle among all the participants..Tingnan niyo ah, kapag natapos na ang isang pageant.. Hindi pa makakaget-over ang mga participants.. Meron at merong bonding time yan.. Bonding Bonding din pag may time.. Pero ang totoo, Bonding Bonding din ALL THE TIME.. Wala lang, napansin ko lang..

Pero sa totoo lang, ang lakas maka-inggit nang ganon.. Lalo na yung kapag yung crush mo ay isa sa mga candidates tapos makikita mo yung mga twitter and IG post niya kasama ang mga other participants.. with matching akbay, yakap, poolside activities, bonding time.. DAMN!!! SAKIT SA PUSO NUN!!! Yun ang talagang main second point.. Ang hirap tumingin sa mga taong nasa langit..

Pangatlong Point,
Naiintimidate ka na ba? Sa ganong scenario? Yung tipong gusto mong damoves damoves, pero hindi.. Kasi nga may level up effect.. Well, isa lang ang payo ko sa'yo.. Itigil mo muna yan... At dahil, maiinis ka kunti at baka murahin mo pa ako nang sa loob nang isip mo.. Sasabihin ko na push ka lang sa kung anong ginagawa mo.. Malay mo diba? Maka-isa.. Kung ganon, parehas tayo nang iniisip.. GO LANG NANG GO.. TRY AND TRY UNTIL YOU (DIE) SUCCEED!!

Naniniwala ako sa kasabihang YOLO.. You will only live once.. Kaya, kung ikaw ay nag-aalangan sa kinikilos mo.. Takte!!! Wala kang mapapala... GALAW!! Ito ang kailangan talaga eh.. Mas magandang i-regret ang failures due to actions than i-regret yung something that you didn't do!!1 ANG LALIM NIYAN MY FRIEND!!

So.. Game? Sa totoo niyan, yung sarili ko rin yung guilty dito.. Parang OGAGS lang eh.. Pero ganyan talaga.. Wala eh..

Kaya, ikaw at ako.. SIPAG, TYAGA AT KAPAL NANG MUKHA ang nakikita kong susi sa tagumpay...

At sa mga taong, nakakita na masama ang post na to.. RANT nga to eh.. Pagbigyan na lang natin..

Yun lang,
LightningSnow :)

Wednesday, October 2, 2013

Dear Blog: Hindi ako pang scholarship material..

Dear Blog,

Tapos na naman ang term sa aking school at isa lang ang ibig sabihin niyan.. Nalalapit na naman ang labasan nang resulta nang mga grades.. Halos lahat na nang mga professors nagpasa na nang grades.. So, ang gagawin na lang namin ay ang mag sit back, relax, watch anime, fret, eat, laugh. pray... until lumabas yung mga results..

So, syempre ang mga nakakaangat ay nagsimulang mag virtual computation kung ano ang paossible grades nila for this term at kung ano ang grades na kailangan nila para sa scholarship.. Syempre, hindi maiiwasan ang ganon,.. Kasama talaga sa buhay estudyante ang ganoong mentaility... Syempre naman, scholarship means academic prowess.. Sino ba namang tao ang hindi gustong magreconize academically diba? At ang scholarship ang isa sa mga yun...

Wala akong masamang tinapay sa mga taong possible maging scholars.. Ok, scholar na kayo.. Congrats.. Ang point lang is ang tagal ko nang nakakakuha nang mataas na grades sa mga subjects and yet hindi ko pa natikaman ang pagiging scholar... May sagot ako sa ganyan.. May mga dahilan at scenario ako na sasabhin na pedeng makarelate din sa ibang tao..

Hindi ako pang-scholarship material.. Bakit? Ito ang mga nakikita kong reasons..
1) Kasabay nang sure high grade na subject ay subject na may terror prof - Ito talaga ang unang una.. May isang subject ka kung saan monster mode ang performance mo.. Maganda ang results nang exams at etc.. Pero, on the other hand, may kasabay tong subject na kung saan terror ang pro at masisiraan ka nang bait dahil polar opposite to nang kaginhawaan na nakukuha mo sa Good vibes subject.. Parang Newton's Law lang yan eh, for every action there's an equal but opposite reaction.. Thus, naniniwala ako na pag may good vibes na nangyayari, may bad vibes rin panigurado. So, sa end nang term, kung may mataas kang grade, pambalanse naman ang mababang grade galing sa terror prof.

2) JINX - Ito pang isa.. Isa akong firm believer nang jinx or bati.. Yung tipong obvious na madali ang subject pero sadyang minamalas ka lang at pumapalya ka dito.. Ito talaga ang nagbibigay sayo nang bitterness at frustration at disappointments at maraming pang iba.. Lagi akong prone sa bati eh.. Talagang biglang out of the blue, ang subject or professor na maramng nagsasabing sure pass, hindi ko pa nasusure pass.. Pedeng may halong underestimate din pero for the sake of para makatwiran ang post na to, mas nananaig pa rin ang JINX.

3) GG - same din sa number 1 pero walang kabalanseng good vibes section.. Talagang pure evil lang ang mga nasa sched mo.. In short, malas ka sa enrollment and professors

4) Alay - Minsan may 2 o 3 big time subjects ang magkakasama sa isang term lang.. So ang tendency ay ang magfocus sa 2 out of 3 subjects.. In short, mas hindi nabibigayan nang attention ang ibang subject lalo na pag sure pass ang less attended na sa subject.. Ang problema magkaiba ang "sure pass" sa "sure high grade" na terms.. Ang "sure pass", sure pass talaga pero kasama sa sure pass ang grade na 3.. Pag "sure high grade", sure pass na nga, sure na mataas pa ang grades.. Syempre grades nga ang habol sa scholarship eh.

5) Competitive Environment -  Ahm.. Maraming competitive sa mundo, ingat na lang kayo..

6) Wala sa hulog ang professor - Parang 1 2 3 4 5 din ito pero ang pinagkaiba nito ay ang ambiance nang prof.. Ito yung moment na kung saan ang ganda nang run mo sa subject na yun.. Ang ganda nang momentum sa quiz, seatworks at homeworks... Maganda ang vibes mo sa subject na ito pero at the end of the term, mababa pala magbigay nang grade yung prof.. Ito yung nakakasira nang pangarap.. Minsan hindi ang din mababang magbigay, may konting magic pa at konting ek ek.. Basta yun na yun..

So there you have it.. Sa tingin ko, ito yung mga reasons bakit hindi pa ako nakakascholar ni once in my life..

Kung naiintindihan niya ako, good.. Kung hindi naman, baka scholar na kayo.. Ipa-totoot ko kayo eh..

Yun lang,
LightningSnow :)

Monday, September 30, 2013

Dear Blog: Competitive

Dear Blog,

 Sa pinpasukan ko ngayon, may bagong term na sa GC.. Grade Conscious..

Ang tawag sa kanila ay competitive..

Hindi ko alam kung kaninong galing ito pero tama nga naman ang logic.. Kapag grade conscious ka, syempre nakikipagcompete ka sa mga kasama mo... That's why you're competitive...

The symptoms and signs are still the same..
Kunwari hindi nag-aral pero ready naman: COMPETITIVE
Laging sumasagot sa class: COMPETITIVE
Laging epal sa group discussions: COMPETITIVE
Laging promoter nang after exam discussions: COMPETITIVE
Laging nagcocompute nang grade: COMPETITIVE
Laging humihingi nang incentives: COMPETITIVE
Ako muna, bago sila: COMPETITIVE
And so on and so forth: COMPETITIVE

Ah... wala naman akong kinagagalitan sa ngayon pero.. minsan talaga pag may nakabangga kang competitive, gusto mong manapak eh.. Lalong lalo na pag ikaw nasa delikadong situation at yung competitive ay hindi.. Parang ganon...

Mas masarap manapak nang competitive kapag sinasabi niyang delikado siya pero hindi naman... HELLO?! COMPETITIVE YAN EH!!!

So, ganyan ang COMPETITIVE... COMPETITIVE YAN EH...

Sinasabi lang... Hindi ako galit, nagpapaliwanag lang nang point..

Yun lang,
LightningSnow :)

Tuesday, August 6, 2013

Dear Blog: Hate Tuesday ( Aug. 6, 2013)

Dear Blog,

Unang una sa lahat, ang ganda nang araw nang pasok nang araw na to sa akin.. Gising pa ako nang 3 AM para gumawa nang mga bagay na kailangang gawin.. Langya yang mga "bagay" na yan... Matrabaho na nga, sakit pa sa ulo.... Ito rin yung mga tipo nang bagay na kumakain sa iyong oras.. In short, dahil sa mga lab reports na yan, wala nang time mag-aral... Ganon ang iniisip ko nang 3 AM bago tuluyang matulog at gigising nang 5:30 AM.. Ou nga pala, nakakahiya sa mga taong walang tulog, pero hindi ko style ang hindi matulog nang magdamag.. Sabi nga nila eh.. "Sleep is for the weak".. Well, I don'y give a sh*t about that f*ck*ng logic... Mga totoong tao tayo, at nature sa tao ang matulog... Just giving my thoughts..

The next chapter of Tuesday, implementation na pala nang bagong terminal sa alam niyo nang lugar... Dahil sa mga implementation na yan... walang masakyang bus... Medyo late ako, kaya tanggap kong kailangan kong maglakad... Pero yung paglalakad ko, inaabot nang almost 1 km.. Bakit? Lahat nang mga dumadaang bus, punoan na.. Kailangan mong maglakad palayo to make sure na makakasakay ka.. Pero kahit anong lakad ko nang malayo, wala pa rin... Napasabi na lang ako ng "GRRRRRR!!!" habang naglalakad.. Hindi lang yun... mabigat na nga ang dala ko, umaambon pa... Tapos may possibility na mag exam sa 7:30 class at 7:30 hindi pa rin ako nakakasakay.. HAAYY BUHAY!!! WHAT A PERFECT COMBINATION!!!

Pero thank god, kasi nakarating ako nang school nang almost 9.. Pagkarating ko nang school, simula na nang 9 hours nang super umay na subject... Yung tipong isang prof lang ang kaharap mo from 7:30 AM to 4:30 PM... Sino ba namang matinong tao ang magkakagusto sa ganong set-up? HAHA.. Super UMAY!!! Natuloy yung exam, pero buti na lang late... Kaya nakapag-exam pa rin..

The next chapter, another quiz sa isang subject nang 6:00 PM... Aminado akong hindi nakapag-aral at kulang kulang ang mga aral ko.. The result... 1 hour na nakatulala sa papel... Wala akong masagot.. Na-mental block pa.. Tinry kong sumilip sa katabi ko, pero ang layo nang papel sabay nagroronda yung prof... Napasabi na lang ako nang "PATAY"... Tanggap ko nang GG yung exam na yon... First time kong tumunganga sa papel for the whole time since nagkaroon ako nang 6/100 sa isang subject an ganon din yung nangyari..

The final chapter, quiz ulit!! Dumarating na sa isip ko ang salitang "PAGOD" kasi ganon naman talaga... May konti akong alam.. Pero tuloy pa rin... Nakasagot ako, pero konti lang... Eh, wala kasing nakalagay sa storage eh...

Ano bang point nang post na to? Ganto yan
-Walang magagawang matino pag ang lab reports mo ay almost 20 pages
-Walang magandang maitutulong ang late na gising..
-Walang magandang maitutulong nang early classes..
-Walang magandang effect ang combination nang walang sasakyan, umuulan, mabigat ang dala
-Katanggap tanggap ang bumagsak pero alam mong kulang ka sa aral.. Kesa sa bumagsak dahil sa carelessness. Ito talaga ang isa sa mga ultimate realizations ko ngayong araw..
-Pangit ang magcram...
-Balance everything..
-Hindi masamang mag-rant sa mga fb post, blog post... Kasi isang paraan para mawala nang stess ay ang paglalabas nito.. Kaya pwedeng maglabas nang sama nang loob..
-I completely justified myself na hindi nakapagaral.. Kaya medyo gumaan na ang pakiramdam ko..

Ay oo nga pala, naniniwala rin ako na isa tong trial na kailangan harapin.. Lahat tayo may trial na pinagdadaanan, nagkataon nga lang na masyadong stressful at masakit sa loob ang trial na iba... Malamang meron pang mas malala ang kaso kesa sa kin na pedeng magsabi, wala kwenta naman ang rant mo dahil mas malala ako diyan.. Pero, ang akin lang... Blog ko to no!! HAHAHA

#HATETUESDAY

Yun lang,
LightningSnow :)

Friday, June 28, 2013

Dear Blog: Freaking Logic and Chocolate Roll

Dear Blog,

May cake.. Chocolate..

Tapos.. Kinain mo... Anong logic kapag ang tao ay nagaaral sa exam ?

HAHAHAHA... Sabog sabog din pag may time...

Isa akong responsableng student eh... Kaya nagaaral ako nang less than 1 day para sa isang exit exam.. San ka pa?

Alam mo.. kapag may darating na isang malaking pagsubok sa buhay mo.. Halimbawa Hell week, syempre may isang konting time na tinatawag na "the calm before the storm".. Ito yung mga relaxation hours bago ka masubok sa isang matinding pagsubok.. Pano mo i-mamanage ang time mo sa ganitong bagay, given na meron ka lang half a day.. Quarter a day.. O worse, 1 hour and 30 minutes.. Parang mga oras lang yan bago ka-pumunta sa other world.. You're saying goodbye to the heaven to face the gratest challenge of them alll... HELL!!1

Hindi ako si Leonidas na mahilig sa Hellacious na mga laban... Gusto kong mag-chill lang... At ang oras ko ay sinasayang ko para ishare ang nalalaman ko sa  post na to.. Since na matagal na akong walang post, maganda nang magpost about sa mga walang kakwentang-kwenta mga bagay..

Love? Hate? Chocolate? Sus... There's more to life than this crap.. Take a break? Have a Kitkat? Pagod? Pusoy Dos?

Well.. Talagang nakakasabog nang utak ang mga pangyayaring kung saan papasok ka nang Hell Week tapos alam mong delikado sa mga subjects mo... Isang paraan ito para masubok ang crunch time ability... Clutch Ability.. Yeah, that's right... Imagine yourself as Lebron James (Congrats man!!) na magshoshoot nang bola sa dying seconds nang laro.. Imagine yourself as Cristiano Ronaldo na magtatake nang isang vital na penalty shot.. Imagine yourself as yourself na maghahabol sa mga kailangang habulin... Diba, nakakapagod isipin? What more kung gagawin mo pa?

Well, ganon talaga.. Hindi ako bitter.. Hindi ako better.. I'm just a poor boy nobody loves me... HIHIHI

Mag-unwind muna at magpakasaya.. Chill out.. Surf the net.. Magbasa nang manga.. Manuod nang anime.. Don't waste the precious time.. Gumawa nang productive.. Ang meaning nang productive ay depende sa iba't ibang tao... Bahala ka na dun...

Ako nga pala ay isang student na naloloko na sa school, sa babae, sa libro, sa net, sa bagay, sa lupa.. Nakaka-adik rin pala ang 2fuse at minion rush...Try niyo to!!!

Ahmm.... Well ang masasabi ko lang ngayon ay "Ice yan".. Bis yan tol!!! Ako ay natutuwa na natutuwa sa mga bagay na nakakatuwa na nakakatuwang isipin pag iniisip mo sa paraang nakakatuwa.. ICE BA? Gooodddddd...

Yun lang...
LightningSnow :)

Monday, May 27, 2013

Dear Blog: The Anti-Talented

Dear Blog,

Wala akong sapi ngayon.. Pero isang excerpt mula sa anime episode ang naka-struck sa kin.. Yung tipong nakaka-relate talaga ako dun sa scenario.. Parang custom made siya para ipanood sa kin.. Sobrang agree ako dun sa main point nang eksenang yun..

Ano ba yun?
Ang pinag-usapan nang mga characters sa eksenang yun ay masusummarize sa ganito; Bakit may mga taong super-talented? Bakit daw ganon ang mundo? Kahit anong gawin mong hardwork walang payoff kasi at the end, ang mga taong may talent ang mas napapansin.. Lahat nang effort mo ay macrucrush sa huli..

Well hindi ako nagsabi niyan ah, pero yan yung pagkakaintindi ko.. Now, parang gusto kong gumawa nang isang deep analyzation/reflection dito sa nakita ko at napanuod ko..

First.. Ou nga naman.. May mga taong super-talented sa kanila-kanilang fields na maiituturing silang hyper - genius, untouchable, the master of this and that.. In short, IMBA.. diba? Minsan nakaka-inis sila... Bakit? Baka siguro ikonokumpara mo ang sarili mo sa kanila.. Baka naman masyado ka ring maka-assume na kasing-level mo sila.. Kaya pag may nagagawa silang hyper-awesome pero hindi mo nagawa, sobrang depressed ka.. Wag kang mag-alala bro, hindi lang siguro ikaw ang nakaranas nang ganon.. Siguro, lahat nang tao ay may tendency na ganon ang isipin.. Yung iniisip niya one of the best siya despite the fact na may mas magaling sa kanya.. Ganon talaga eh.. May taong mas magaling sa'yo, natural yun eh.. Ang point dito, tanggap tanggap din pag may time.. Hindi ko sinasabi na hindi masamang mag-bitter, ang point lang, hindi mo kailangang i-stress ang sarili mo sa mga ganong bagay..

OO, AAMININ KO... SINISIRA NILA ANG PINAGHIRAPAN KO SA BUHAY..
Point number two, katulad nang nakasulat sa ALL CAPS, ang hardwork ay hindi sapat all the time.. Ou may mga taong nasa hardwork nakadepende, pero sometimes you can't escape the fact na hindi talaga sapat yun.. Talagang papasok ang talent.. Though lahat tayo may kanya-kanyang talent pero talagang nakaka-bitter pa rin.. Yung feeling na ikaw pagod na pagod ka dahil sa paggawa nang isang bagay (HARDWORK) samantalang yung iba effortless lang, may nagawa na (TALENT).. Haayyy.. Ganong ang ibig kong sabihin ah... Ang sarap talagang maghanap nang garapon or beer bottle sabay hampas sa ulo mo... Sinira nila ang mga pinanghahawakan mo sa buhay (Madrama mode)

Third point... Bakit minsan mabuting magbitter muna kapag nakakaranas nang ganitong situation? Bakit magandang isumpa muna ang mga genius, lazy genius, mga mukang tambay pero IMBA pala, yung mga wala sa itsurang awesome pala? Para sa kin, ang reason behind that is that you want to have a sense of relief.. Sense of pain reliever.. Parang ganon.. Syempre, wala nang magagawa eh, nandyan na yan eh.. Naiwan na nila ang marka nila... Nganga ka na lang.. Kain-bubog... Tapon-basura... Kaya ang tanging paraan muna na magagawa mo ay ang pag-bibitter..

So anong moral lesson nang post na to.. ? Para sa kin, para maiwasan ang pagbibitter mo laban sa mga super-talendted, ang dapat mong gawin ay maging open-minded... Maging open sa yong mga surroundings... Wag mong isipin na ikaw ang center nang mundo... Na sa'yo lang iikot... Talagang may mga bagay na mas awesome sayo, mas matalino sayo, mas talented sayo, mas pogi sayo.. Parang ganon.. In short, wag kang mag-underestimate.. Wag kang magjujudge base on appearance lang.. Lahat nang tao ay may karapatang maging IMBA, kahit ano pa sila, kahit anong istura nila, kahit anong status nila sa buhay.. Kaya ang dapat mong gawin, wag kang mangmamaliit para kapag ikaw ang namaliit, hindi masakit.. Parang ganong logic...

Ganito ako dati eh... Tapos sabi nang kakilala ko.. There's more to it... Wag mong istress ang sarili mo.. Wag mong sabihin life is unfair porket hindi nagawa ang mga bagay na nagagawa nang iba, lalong lalo na ang mga nagagawa nang mga IMBA... In short, kailangan may acceptance din...

ACCEPT ACCEPT DIN PAG MAY TIME... At kung ganon ka, hindi ka ma-isistress... Normal lang ang buhay...

Uhmmm.... Isang refelction lang yun.. Just sharing may thoughts...

Yun lang,
LightningSnow :)

Tuesday, April 23, 2013

Dear Blog: Ang hindi marunong umintindi

Dear Blog,

Bakit may mga taong mahirap maka-intindi sa mundo?

Sasabihan mo nang magandang explanation, pero wala pa rin... Bibigyan mo nang mas maayos na solution pero ang gusto ay yung HARDCORE ONE..

Ganto kasi yan eh.. May mga bagay na pwedeng idaan sa maganda at matinong usapan.. hindi yung sa talakan, sigawan at trashtalkan.. Alam mo ba yung situation na ganon? Yung walang peace.. Dapat peace tayo ma-men!!!

Isa akong advocate nang WORLD PEACE.. At ang World Peace na tinutukoy ko ay yung hindi magreresolve nang mga problema gamit ang linguistic violence (social, tama ba?).. I'll give you a particular example.. Merong bagay na mareresolve nang hindi gagamit nang init nang ulo diba? Gusto ko yung mga ganong approach... May World Peace..

At ito ang problema.. Bakit may mga taong gustong sa trashtalkan mapunta ang lahat...? Hindi naman sa pag--aano ah.. Pero, para sa kin, lahat nang tao ay magkakatrauma pag nasigawan o namura o natrashtalk o napakitaan nang mga hindi kanais nais na paguugali... Hindi lang yun, nagproproduce rin ito nang negative vibes na makakahawa sa iba.. Pag lahat nang tao ay negative vibes, lahat mainit ang ulo at laha mag-aaway-away...

Walang Inner Peace, walang World Peace..

Diba? Anong sense nang Scream and Shout? To let it all out?

Well, iba-ibang situation yan pero ang akin, ayoko ang mga HARDCORE ways nang pag-resolve nang mga problema lalong lalo na pag may involve na sigawan, murahan, trash talkan atbp na mag-reresult sa negative vibes..

Ou nga no.. Bagay ang kantang "Scream and Shout" dito...

Gayahin natin ang bida nang Kung Fu Panda, magkaroon nang inner peace.. Diba? Pag lahat ay may ganyan, lahat tayo mapayapa... So, boto niya na ako for official bystander ngayong 2013.. HAHA..

Kaya... IKAW NA TINUTUKOY KO!! ANAK KA NANG **** NANG TOOT!!!! NANG TOOT TOOTT!! F*****!! IKAW AY TOOT!! TOOT KA!!! ****!!! ****!!!! AAARRRGGGGGHHHHHHGGG!!!

(Deep breath)

Yun lang...
LightningSnow :)

Thursday, April 18, 2013

Dear Blog: This whole thing is a JOKE!!

Dear Blog,

Ang buhay na to ay isang malaking JOKE!! Bakit?!!

Kasi lahat nang nangyayari sa'yo pede mong tawanan..

May magandang nangyari? Tawanan mo lang...

May masamang nangyari? Tawanan mo lang..

Sabi nga nila "Laughter is the best medicine." Even wounds in the heart can be healed just with the use of laughter.. That's my perception..

Ngayon, nakakaranas ako nang isang napaka-unfortunate na bagay.. At gagamitin ko ang moment na to para tumawa na lang.. Kasi wala rin naman akong magagawa eh.. Nakakainis mang tingnan pero, wala eh.. Tatawa na lang ako.. WHAHAHAHAHAHA

Para sa aking mga problema, WHAHAHAHAHAHAHA

Para sa aking mga bitter feelings. WHAHAHAHAHAHAHA

Para sa mga taong masaya, WHAHAHAHAHAHAHA

Para sa mga malungkot, WHAHAHAHAHAHA

Para sa mga kapwa ko depressed, WHAHAHAHAHA

For we don't have anything to do, we just resort to laughing.. Am I right?

Sometimes, you have a good feeling.. Sometimes, you don't

LMAO....

Isa pa.. I want to share this quote that I saw in a manga I am reading... Ito
「「Do you think it's cool not to smile? If you go through life like that though, you wouldn't notice. You can't be close to being a Minus like that. Even if things don't go the way you want them to. Even if you lose. Even if you don't win. Even if you look like an idiot. Even if you're walked on. Even if you're kicked. Even if you're sad. Even if you're bitter. Even if you're tired of it all. Even if it hurts. Even if it's hard. Even if you're weak. Even if you aren't right. Even if you're humble. Through all of that, we Minus always laugh.」

That's it... Minsan cool din tumawa in times of hardships in life...

Yun lang, tawa lang tayo mga brad... Maski ngayon lang, sandaling pampatanggal nang depression..

LightningSnow :)

Saturday, March 9, 2013

Dear Blog: You Don't Do That To me

Dear Blog,

Sasabihin mong on the way ka na, pero naliligo ka pa lang?
-YOU DON'T DO THAT TO ME

Long text, tapos ang reply.."K"
-YOU DON'T DO THAT TO ME

Importanteng Chat, no reply..
-YOU DON'T DO THAT TO ME

Groupwork, tapos tinatamad ang mga kagrupo..
-YOU DON'T DO THAT TO ME

Hindi nagtuturo, tapos mambabagsak
-YOU DON'T DO THAT TO ME

Enrollment, walang section
-YOU DON'T DO THAT TO ME

Seryosong tanong, pilosopong sagot
-YOU DON'T DO THAT TO ME

Walang WWE Tag Team Championship match sa Wrestlemania?
-YOU DON'T DO THAT TO ME

Sinolo mo na ang microphone sa videoke..
-YOU DON'T DO THAT TO ME

Walang net
-YOU DON'T DO THAT TO ME

Ano? Mas pogi ka?
-YOU DON'T DO THAT TO ME

Ano daw?
-YOU DON'T DO THAT TO ME

Nasira ang G-Tech Pen na bagong bili
-YOU DON'T DO THAT TO ME

WHOOOOOO!!
-YOU DON'T DO THAT TO ME

Ang patok talaga nang "YOU DON'T DO THAT TO ME"...

Kapag may problema ka.. Sabihin mo
-YOU DON'T DO THAT TO ME

Sa kalaban mo..
-YOU DON'T DO THAT TO ME

Sa mga mangaagaw..
-YOU DON'T DO THAT TO ME

Sa mga nangongopya pero hindi nagpapakopya..
-YOU DON'T DO THAT TO ME

Sa mga papogi..
-YOU DON'T DO THAT TO ME

Sa mga depressed..
-YOU DON'T DO THAT TO ME

Sa mga hindi daw nagaral pero papasa..
-YOU DON'T DO THAT TO ME

Mahangin?
-YOU DON'T DO THAT TO ME

Naruto V.S. Sasuke... Winner: Sasuke
-YOU DON'T DO THAT TO ME

Walang Assassin's Creed game release per year
-YOU DON'T DO THAT TO ME

Tama na.. Wala na akong maisip..

Yun lang,
LightningSnow :)

Tuesday, January 29, 2013

Dear Blog: Swerte

Dear Blog,

Masasabi ko na may maganda nangyari sa kin noong isang araw...

Bakit? Kasi ang swerte ko..

Bakit ako swerte? Kasi, may mga bagay na akalain mong mangyayari at ako ang benefactor..

Bakit ako ang benefactor? Kasi, kahit sa anong angle mong tingnan, ako ang swerte..

Bakit ako swerte? Kasi, wala talaga sa plano yung mga nangyari and yet natuwa ako at na-enjoy ko ang moment na yon..

Bakit ko na-enjoy yung moment na yon? Kasi, astig talaga siya.. Wala lang..

Ano ba ang nangyari? Isang unexpected encounter sa isang car show.. HAHAHA!!

Malamang sa mga nakakakilala sa kin, alam nila ang pinatutunguhan nang kwentong to pero ikukwento ko pa rin.. May isang Car show sa school namin.. At kapag may Car show, may girl show din.. (If you know what I mean) Tamang-tama, may dala akong camera at sa hindi malamang kadahilanan, nasaniban ako ni God of Trip... Nag-one man army ako dun sa show.. Man on a mission, at ang mission ko ay makapagpapicture, mapag-car man yan o girls... At nagawa ko ang mission ko... Mission Accomplished.. May kasama pang picture yun ah.. Pero ito ang matindi, hindi ko kilala yung pinapapapicturan ko pero, sikat pala yun.. Imba-nescence.. AJ Suller brad..

In short, swerte..

So anong point..? Ito ang point...

Umalis ako nang school... Masasabi kong malas ako..

Bakit ako malas? Nasira ang akong formal shoes na alam natin mahal ang mga formal shoes..

Bakit ako naka-formal shoes? Kasi, may seminar before the event..

Bakit nasira? Nakuyog siguro nang maraming tao..

Bakit ako malas? Dahil napabili ako nang mighty bond na hindi pala effective gamitin sa ganong situation.. At dahil dun, ubos ang pera..

Bakit mighty bond? Kasi nga, mighty bond.. Yun yung sabi sa commercial eh

Takte.. wala pa naman akong extrang foot wear!!

Anong nangyari? Nagparescue mission ako sa mga kakilala ko

So, anong point? Ito ang point..

May times sa buhay mo na ang swerte swerte mo... Parang ang taas nang stats mo sa luck at nangyayari sa yo ang mga pinaka-advantageous things sa buhay mo.. Pero wag ka, syempre ang buhay ay kailangan rin nang balance.. Kapalit nang swerte mo, magkakaroon ka nang malas.. Parang bola lang yan eh.. Minsan nasa taas, minsan nasa baba.. Nagkataon na galing ako sa taas noon moment na yun pero yun lang, downfall agad..

At least enjoy no? It was a fun experience...

Yun lang,
LightningSnow :)


Sunday, December 2, 2012

Dear Blog: Low Profile Gamin

Dear Blog,

Well... Gusto ko lang i-share ang isang topic..

I'm going to call it "Low Profile Gamin".. Simply LPG..

Uhm... Para madescribe... Based sa aking dictionary.. kapag low profile ka, hindi ka kilala... Parang hindi ka nag-eexist.. Alam mo ba yun.. Example, sa school.. Pupunta ka nang school na for the sole purpose of pagaaral.. Hindi ka masyadong nakikiepal sa mga kung ano anong bagay... Example, mga activities.. etc..

So anong consequence kung hindi ka makiki-epal..? Kung hindi ka makikijoin..? Edi.. hindi ka mageexists.. In short, hindi ka sisikat... "Sisikat"... Hindi yun necessarily na maraming nakakakilala sayo at para kang celebrity.. Tinutukoy ko ay yung scenario na magiging boring ang buhay mo dahil hindi ka nakikipaginteract sa mga tao at magreresulta yun na wala rin silang pake sayo... Parang ganong scenario..

Ok.. Gusto ko lang i-discuss nang medyo seryoso and "Low Profile Gamin"

Simulan natin sa mga perks.. Ano ba ang perks nang pagigigng Low Profile..?

Parang ganito yan eh... Kapag hindi ka sikat.. tahimik ang buhay mo.. As simple as that... Ang pagiging unpopular ay ang magiiwas sayo sa mga unnecessary activities na pwedeng harapin.. Example, mga responsibilities at mga disturbances... Bahala ka nang maginterpret kung anong mga activities na yun... Tandaan, kung hindi ka nga makiki-epal, hindi ka rin nila aabalahin.. Ganon ang main concept.. Pwede ring macompare ang sarili mo sa hangin... Ang hangin nandiyan lang yan..  Hindi siya nakikita.. Nararamdaman lang... (Ayos ba yung description?) WHAHAHAHAHA...

Ano naman ang disadvantages nang pagiging low profile?

Ok... ano ang mga consequences nang "Low Profile"... magiging boring ang buhay mo.. Hindi ko sinasabi na lahat nang tao ay makakaranas nito, pero kapag ikaw ang tao na hindi sanay na hindi mapansin, tiyak masasasabi mong "ANG BORING"... Parang ganon.. Syempre... Wala kang magawa.. Wala kang makausap.. Worst case scenario, uuwi ka na lang.. At dahil diyan, mas lalo ka pang malulugmok sa never ending cycle nang "Low Profile Gamin"... In contrast sa analogy sa perks nang LPG, hangin ka nga, manananatili kang hangin at hindi ka talaga mapapansin... Unless, isa kang smoke bomb or fart bomb na makaka-agaw ka nang eksena..

So ang bottomline ulit.. Bahala ka na kung saan mo ilulugar ang sarili mo... As what I said, may perks at disadvantages ang LPG.. Kanya kanya lang nang tactics kung pano mo susundin to... (Kung susundin mo)..

At one more thing.. Kung masaya dahil LPG ka, ituloy mo lang yan kung masaya ka pa... Ano naman ngayon kung hindi ka High Profile diba? Sabi nga ni Carmina... "Basta ako pretty?!" Whahaha! Sa mga nagmumokmok naman dahil LPG sila, spread your wings.. Explore all the possibilities... Start the step up process.. Yun lang naman ang paraan eh... Maki-epal ka... Maki-alam... Malamang yung mga tao na hindi sanay ay magsasabing nakikiepal ka.. pero lilipas din yun at magiging one of them ka rin..

Yun lang... Naglalatag lang nang isang argument..

Kung may aral kang mapulot.. Wow naman... Shenes..

Yun lang

LightningSnow :)

Friday, November 9, 2012

Dear Blog: Unti-Unti Lang

Dear Blog,

May 1 and a half month pa bago mag New Year.. Syempre, pag new year , meron New Year's Resolution na gagawin diba? May planong akong New Year's Resolution..

Ang main motif nang aking resolution ay "Unti-Unti"..

Unti-untiin lang.. Chillax lang... Wag kang magmamadali... Kalma.. Lahat nang mga bagay na related dun sa ganong situation, pwedeng gamitin.. Gusto kong magbago... Especially, the emotional side.. Emotion, meaning love related.. feelings related...

Nakakaexperience ako ng "Love Sickness" ngayon.. At ang masama dito, nirurush ko ang aking sarili to make a move.. Pero wala akong nagagawa kasi natatakot ako.. Naprepressure ko ang aking sarili... Nakakastress.. Nakakabad-trip.. Minsan depressed.. Basta, nakakalungkot.. Malulungkot ka na lang nang walang rason, pero that's part of it... Parte talaga yun... In addtional to that, nalalaman ko na lahat nang tao ay ayaw sa feeling of rejection kaya may depression effect...

Humingi ako ng advice sa isang kakilala at ang sabi niya sa akin ay pinangungunahan ako ng takot ng feeling of rejection.. Kaya yun, nagkakaroon nang mga pressure.. Take it easy daw pre.. Wag agad tumingin sa mga future..

Yun nga... Ganon ang moral lesson.. Sa usapan about sa Love or anumang topic related dun, chill lang.. Wag mag-assume dapat.. Wag mag plano nang mga future moves... Isipin kung ano ang present.. Diba? (Kung may nakakabasa nito)

Basta ganon ang main concept.. Face what it happening today.. At this moment of time.. In short, mapupunta ka sa long road of friendships then saka mapupunta sa lugar kung sanan mo gusto pumunta.. (If you know what I mean)..

Ganon ang gagawin ko... Take it easy.. Gumawa nang bagong play na kung saan gagamit nang oras... Wag magmamadali.. Baka madisgrasya ka pa lalo.. Tandaan, may plano si God for each one of us.. Gets? We just have to go with the flow... Live every single minute.. every single second of your precious life.. (Drama no?)

Sa taong nag-enlighten sa kin,, Maraming salamat.. Malaking bagay ang iyong meaningful advice..

Yun lang.. At ito ang feeling anonymous blogger (kung anonymous pa)

LightningSnow :)

Tuesday, October 30, 2012

Dear Blog: Alam mo yun..

Dear Blog,

Ok.. May isang scenario na kung saan may isang lalakeng nakipagkaibigan sa isang babae via FB chat.. Yun tipong mas sweet at mas malakas ang loob nang lalake sa chat compared sa personal..

So... Why? Bakit may mga ganong pagkakataon..?

Well.. May mga tao talagang sadyang pinanganak na hindi magaling sa pagsasalita... Sa aking point of view, sa side nang mga taong yun.. mas naeexpress nila ang sarili nila through the words sa chat kesa yung makipag-usap sa personal.. In short, TORPS...

Anong sense?

Well, syempre.. hindi mo masisi ang isang tao, lalake man yan o babae, na maging shy kahit papano diba? Kaya nga hindi sila makikipagusap harap-harapan eh, kasi nga shy... So, ang akin lang, may kanya kanyang tactics ang mga tao sa buhay nila.. Yun nga, may mga taong preferred ang chat as a means of interacting deeper with the persons they want to know more... May mga taong preferred ang personal basis.. So, saan ka papanig?

Ako? Kung ako ang tatanungin... dun ako sa personal.. Kasi mas mararamdaman nang kausap mo yung mga sinasabi mo... Not to mention na nakikita rin niya ang mga emotions na nilalabas mo for every reaction na ginagawa mo... Mas special.. Diba?

Yun lang.. hindi rin ako biniyayaan na maging talented sa ganon.. In short, I'm one of "them"..

Hay buhay... Dumarating ako sa point na kung saan ang tanong ko sa sarili ko ay "Itutuloy ko ba?"

Ang bottom line dito, kailangan nang isang massive na composure at self confidence para ma-execute mo yung plano mong makipaginteract, via net or via personal pa man yan... Kasi may interaction moment nga pero blanko ka naman sa mga sasabihin.. Wala rin,. Wala ring silbe yung precious moment... Alam mo yun.. kahit anong gawin mo, mahirap talga..

In short, Malabo... In short, Good Luck..

Yun lang,

LightningSnow :)