Thursday, March 27, 2014

Dear Blog: Joker ka ba? Nakakatawa pa ba?

Dear Blog,

Ako lang ba nakakapansin?

Ang mga joker type nang tao ay talagang hindi sineseryoso.. Siguro dahil mataas ang level nang kanilang joking abilities, pati ang serious moments ay hindi sineseryoso.. In short, hindi siya sineseryoso..

May times na kailangang magseryoso nang isang tao para maging serious rin ang mga tao sa paligid niya.. Pero ang napapansin ko, sa mga joker type hindi laging ganon ang nangyayari.. Minsan, walang respeto.. Minsan bad trip.. Ako talaga ang tinutukoy ko sa post na to.. Nakakainis kasi minsan.. Minsan kailangan ko nang mag-seryoso, hindi naman ako sineseryoso.. Kahit mag-game face at mag-angry face pa ako.. parang joke time pa rin.. HAHAHAHA

Minsan OK lang.. Minsan hindi.. Pero nakakabastos rin talaga..

Isa pang application nang post ko ay ang situation nang isang tao sa Pag-ibig.. Sabi nila, ang mga joker type nang tao ang mga malalakas sa mga ganon kasi mag-joke ka lang, pede kang makapoints.. Syempre, hindi lahat ganon ang kaso.. May mga instances na sa sobrang lakas nang joking abilities mo, hindi ka sineseryoso nang babaeng pinili mo.. Syempre, hindi lahat ganon ang kaso..

In short, parang napansin ko lang na may instances na sobrang joke time.. ikaw ang na-go-good time.. Masakit pero ang naiisip ko lang ay nakakapagpasaya nang iba..

Related rin sa post na to ang kasabihan na ang mga komedyante ay yung mga taong pinakama-lungkot sa mundo.. Isang double-edge sword ang pagpapatawa.. Isang perspective ko lang to..

In short, may halong glorification nang aking saril ang post na to.. Aaminin ko na joker type ako, at ni minsan wala pa akong na-iiscore sa love life.. Hindi ko maintindihan kung sobrang joke time ba to o may mali rin sa personality ko.. Pero I assume the later.. Ganon talaga ang buhay.. Hindi lahat nakakatawa..

So ano ang lugar ng ayaw taniman ni Satanas?
EDI, KABUTIHAN

Ano ang pinakamahabang insekto?
EDI tipakLONG

BOOM PANES

Yun lang,
LightningSnow :)

No comments:

Post a Comment