Dear Blog,
Isang munting rant lang mula sa inying abang lingkod..
Napaisip lang ako.. Sa panahon ngayon mahirap nang makakuha nang Girlfriend na mabait..
Mas mahirap kung mabait at maganda..
Mas lalong mahirap pag mabait, maganda, matalino..
Mas super mahirap pag mabait, maganda, matalino, mayaman..
Mas super duper namang hirap kung almost perfect na ang trip mo..
DIBA? So, in short ang hirap makahanap lalo na pag mataas ang qualities na hinahanap mo.. Syempre may magsasabing wala sa itsura yan nasa katangian yan.. Syempre may magsasabi na, ang choosy mo naman..
Well, HELLO!? Ang hypocrite mo naman kung hindi ka mangangarap nang ganon no.. Ni once sa buhay mo, nangarap ka nang ganyang style nang pagibig.. Umamin ka man o hindi, ganon yun.. Hindi one sided tong opinion ko.. Well, hindi naman talaga to yung point nang post.. Unang point pa lang to..
Pangalawang Point..
May kakilala ka bang taong napasama sa isang pageant?
Kung meron, siguro relate much ka dito.. Hindi naman sa hater ako nang mga pageant boys and girls.. Pero meron lang akong isang ayaw sa mga taong naiinvolve sa pageant.. Ito yung exclusive friendship circle among all the participants..Tingnan niyo ah, kapag natapos na ang isang pageant.. Hindi pa makakaget-over ang mga participants.. Meron at merong bonding time yan.. Bonding Bonding din pag may time.. Pero ang totoo, Bonding Bonding din ALL THE TIME.. Wala lang, napansin ko lang..
Pero sa totoo lang, ang lakas maka-inggit nang ganon.. Lalo na yung kapag yung crush mo ay isa sa mga candidates tapos makikita mo yung mga twitter and IG post niya kasama ang mga other participants.. with matching akbay, yakap, poolside activities, bonding time.. DAMN!!! SAKIT SA PUSO NUN!!! Yun ang talagang main second point.. Ang hirap tumingin sa mga taong nasa langit..
Pangatlong Point,
Naiintimidate ka na ba? Sa ganong scenario? Yung tipong gusto mong damoves damoves, pero hindi.. Kasi nga may level up effect.. Well, isa lang ang payo ko sa'yo.. Itigil mo muna yan... At dahil, maiinis ka kunti at baka murahin mo pa ako nang sa loob nang isip mo.. Sasabihin ko na push ka lang sa kung anong ginagawa mo.. Malay mo diba? Maka-isa.. Kung ganon, parehas tayo nang iniisip.. GO LANG NANG GO.. TRY AND TRY UNTIL YOU (DIE) SUCCEED!!
Naniniwala ako sa kasabihang YOLO.. You will only live once.. Kaya, kung ikaw ay nag-aalangan sa kinikilos mo.. Takte!!! Wala kang mapapala... GALAW!! Ito ang kailangan talaga eh.. Mas magandang i-regret ang failures due to actions than i-regret yung something that you didn't do!!1 ANG LALIM NIYAN MY FRIEND!!
So.. Game? Sa totoo niyan, yung sarili ko rin yung guilty dito.. Parang OGAGS lang eh.. Pero ganyan talaga.. Wala eh..
Kaya, ikaw at ako.. SIPAG, TYAGA AT KAPAL NANG MUKHA ang nakikita kong susi sa tagumpay...
At sa mga taong, nakakita na masama ang post na to.. RANT nga to eh.. Pagbigyan na lang natin..
Yun lang,
LightningSnow :)
No comments:
Post a Comment