Dear Blog,
I am a little bit kind of a socially awkward person.. Socially Awkward... Well, ang pagkaka-intindi ko ay ito yung tipo nang problema na kung saan may problemang sa pakikipag-interact sa ibang tao.. Yung tipong, ilang sa communications.. Pwede siguro dahil siya ay nahihiya.. Pero sa tingin ko ganon ang primary reason.. Nahihiya makipag-communicate kasi hindi alam ang sasabihin or dahil baka rin natatakot ma-reject..
Katulad nga nang sinasabi ko kanina.. May pagka-socially awkward akong type nang tao.. Minsan nahihirapan akong makipag-communicate sa ibang tao, especially girls.. Madali lang sana makipag-communicate pag alam mo na ang sasabihin mo o alam mo na yung point nang usapan niyo.. Pero mahirap kung ang usapan ay on the spot.. yung wala kang script or wala kang planong flow nang conversation.. Syempre, kailangan mong mag-improvise.. Pero minsan, too much improvisation can cause multiple problems.. Minsan hindi maganda ang maiisip mong flow nang usapan, minsan naman maganda.. Depende yung sa response nang taong kasuap mo.. Napapansin ko yung mga ganitong flow kapag nakikipag-usap ko nang hindi direct, such as txts and FB chat.. Ma-se-sense mo yung boring/uninterested response mula sa kabilang party..
Pagkaganon.. GGhan.. Ganon ang dahilan kung bakit ako unti-unting nagkakaroon nang socially awkward problems.. Minsan naglalakas loob akong makipag-communicate nang walang planong sabihin or flow of conversation.. Kasi sinasabi ko sa sarili ko na, bakit kailangan kong gumawa nang script? Just act natural, and all will follow.. Eh, hindi maganda ang response.. Pangit.. Worse, seenzoned.. No reply.. BS yun dre!!
Sa aking opinion.. Nagiging socially awkward ang isang tao kapag hindi niya naprapractice ang skills niya sa communication.. Pero hindi natin masasabi na all the time, successful ang communication.. May seenzoned nga diba? Kapag ganon, may mga scars yang iiwan sa atin..
Hindi lahat nang tao ay socially awkward.. May mga tao rin naman malakas ang loob.. Well, sila yun eh.. Hindi ako.. Kung tutuusin, mas maganda siguro kung makipagcommunicate ka in person.. No BS, no seenzoned, no long rep, no kalimutan.. At least makikita mo yung reaction live on PPV.. Makakapag-adjust ka pa sa situation..
Well, ang point nang post na ito is pagcocomment sa isang napakawalang kwentang flaw sa aking sarili.. May gusto akong kausapin, pero wala akong masabi.. THUS, wag na lang makipagcommunicate muna.. Baka mag-mukha lang tanga.. at magmukang pwersahan pa ang usapan..
Yun lang,
LightningSnow :)
No comments:
Post a Comment