Dear Blog,
Alam mo ba yung feeling na malaman mong may syota na pala yung target mo?
Sakit no? Anong gagawin mo? Poker face... tapos pag ikaw na lang mag-isa magwawala ka.. Good job!! May puso ka!! Naeexcercise ang puso sa mga ganyang situation.. It's good for the heart..
Ok.. Bakit ko ba to sinasabi? Anong sense? Dude, gumagawa lang ako ng ikakaview na page na to.. Peace tayo ah..
Ok.. Back to the main topic.. Anong feeling kung malaman mo na may shota yung taong type mo? Diba parang may kurot factor? Parang may "ouch!" "WTF!" moment? Normal lang yan, pero brad calm the F' down.. Napaghahalataan tayo eh.. Kailangan kahit anong mangyari, kalma lang.. Sabi nga nang isa kong kaibigan.. "Chill".. Chill dude.. may bukas pa.. May pagkakataon ka pa.. yun nga lang kailangan mo nang maghanap nang iba.. Kasi for the meantime hindi available ang taong pinaplano mo para sa buhay mo.. Parang ganto lang yan eh.. "Better luck next time.." Or "Sorry for party rocking".. (Anong connect?)
So, ready ka bang kumalma lang..? Ou nga naman, kailangan mong kumalma.. SIno ka ba naman para magreklamo diba? Rereklamo ka eh wala ka ngang kahit anong connection eh.. Masakit kung ganon no? Parang ang labas, one side love.. If you get the point..
Parang isang malaking kabaliwan tong ginagawa natin.. Minsan hindi natin sinasadya pero pag naka-encounter mo ang mga ganitong pagkakataon, parang isinusumpa mo ang kung sino man ang pwedeng isumpa.. Yung iba shoutout, outburst, reblog, blog, kung ano-anong trip.. (Oi, wait.. ang ginagawa ko ngayon ay pagbibigay opinion lang, baka nga ako lang ang nagbabasa nito eh..) Basta.. ang bottom line dito ay basag ka!! Diba?!! May portion ng utak mo na nagsasabi, "bad trip naman tong buhay na to oh!!". May portion din ng utak mo na nagsasabi na, "ganon na naman?". May portion din ng utak mo na nagsasabi na, "Well, ganon talaga.. I know what to expect.".
Anong dapat gawin? Simple lang.. Huwag mong dibdibin.. Learn to roll it down your spine.. Look at the bright side of life my friend.. Hindi lahat natatapos dun sa pangyayaring ganon.. Maraming isda sa dagat at ikaw ang mangingisda.. Ang kailangan mong gawin ay pagaaralan kung pano mangisda at anong mga gears ang kailangan mong gamitin sa ganitong process.. Right? Simple analogy..
Ok.. Basta, isang kampay sa mga taong nakakaranas ng ganong situation ngayon. At salamat sa pagbasa nang isa na namang 'makabuluhang' entry na to.. Enjoy reading!!
LightningSnow :)
roll it down your spine.. ok.. :)
ReplyDelete